Sharon Cuneta on daughter Frankie blasting President Rodrigo Duterte: "Ang tapang!"

by Rachelle Siazon
Jan 10, 2020
Sharon Cuneta (left) reveals conversation with daughter Frankie (right) at the height of the latter's ire at President Rodrigo Duterte (center): "The president is a friend of mine. It's hard because we love daddy so much. But he probably said it out of anger or he had an outburst."

Hindi na raw nagulat si Sharon Cuneta, 54, sa tapang ng anak niyang si Frankie Pangilinan, 19, nang maglabas ito ng maanghang na pahayag sa Twitter laban kay President Rodrigo Duterte, 74.

"Mas bagay maging first lady si Frankie. Ang tapang! Hahaha!" bulalas ng Megastar hinggil sa isyu.

Kaugnay ito ng kumalat na impormasyon mula sa Pangulo na "pinapaalis" ni Sharon ang mister nitong si Senator Francis "Kiko" Pangilinan sa kanilang bahay.

Hindi iyon pinalampas ni Frankie na dismayadong nag-tweet ng: "like imagine being more concerned with 'ruining' a perfectly happy family instead of... being... a good leader..."

Pero ani Sharon, nasa lahi talaga nila ang pagiging matapang.

"Alam niyo naman ang daddy ko, guerilla nung araw," tukoy ng Megastar sa yumao niyang ama at longest-running mayor noon ng Pasay City na si Pablo Cuneta.

"'Tapos ang side naman ng mommy ko, ang mga great-great grandmothers namin, they were actual Katipuneras.

Continue reading below ↓

"So she has warrior blood from both sides."

Naganap ang insidenteng pag-alma ni Frankie laban kay President Duterte noon pang December 1, 2019.

Kung nadismaya man daw noon si Frankie, yun ay dahil "nasaktan" ito sa paninira ng Pangulo sa kanilang pamilya.

"And she's very protective of the family, but she's a very good girl," dugtong ni Sharon.

SHARON'S FRIENDSHIP WITH PRESIDENT DUTERTE

Sa kabilang banda, itinuturing pa rin ni Sharon na malapit sa kanya ang Pangulo at anak nitong si Davao Mayor Sara Duterte-Cario, aka Inday Sara.

"You know, in our whole family muna, ako lang kasi at yung tatay ko ang may history with him and Inday Sara.

"'Tapos parehong mayor yung tatay ko at si Mayor Duterte noon. Ako yung parang anak-anakan niya, so I call him Tatay.

"And then Inday Sara, I love Inday Sara. We're friends.

"Parang ang hirap mapagitna."

Naiintindihan daw ni Sharon na bahagi ng pulitika kung may bangayan man sa pagitan ng mister niyang si Kiko at ng Pangulo.

Continue reading below ↓

"Para siyang tatay siguro na, 'Nobody's good enough for my daughter.'

"E, nagkataon nasa oposisyon yung asawa ko. So, magmula pa noon, nagbabangayan na sila.

"'Tapos siguro sa galit niya, wala na siyang... 'Hmp! Pati tuloy si Sharon ganyan-ganyan...'"

Posible raw na lumang impormasyon ang sinasabi ng Pangulong alitang mag-asawa nina Sharon at Kiko.

Paglilinaw ni Sharon, "Yun pa siguro yung alam niya. Hindi kami okay noon. Pero hindi naman umabot sa ganun.

"Hindi ko pa kasi siya nakausap since kampanya. Ang tagal na nun.

"I haven't seen him or been in touch with him. We used to send each other personal videos, messages, e."

Iniintindi na lang daw ni Sharon ang sitwasyon.

Aniya, "But you know, I love him. He's still a father to me. I understand.

"Wala naman sa amin nagseryoso. Kaya lang nasaktan siyempre ang mga anak ko."

WHAT SHARON TOLD FRANKIE

Bahagi ng kontrobersiyal na Twitter posts noon ni Frankie ang screenshot ng messages nito kay Miel patungkol sa isyung pagpapalayas diumano ni Sharon kay Kiko.

Continue reading below ↓

Inatasan noon ni Frankie si Miel na sabihan ang ina nilang si Sharon na mag-post sa Instagram ng videos na patunay na magkasama pa rin sila ng senador.

Bilang ina, kinausap daw nang masinsinan ni Sharon ang mga anak niyang sina Frankie at Miel.

"I talk to them. They're very smart, my children.

"So when I say, 'The president is a friend of mine. It's hard because we love daddy so much. But he probably said it out of anger or he had an outburst. You have to understand blah blah blah... plus dad is in the opposition...'

"You know, all these things na expected."

Sa huli ay nauunawaan naman daw ni Frankie na hindi na dapat patulan ang isyu.

"After that, Frankie naman stopped. Parang, 'Okay. As long as I know we're okay," sabi ni Sharon.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta (left) reveals conversation with daughter Frankie (right) at the height of the latter's ire at President Rodrigo Duterte (center): "The president is a friend of mine. It's hard because we love daddy so much. But he probably said it out of anger or he had an outburst."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results