Liza Soberano, Enrique Gil hope President Duterte will change his mind about ABS-CBN franchise renewal

by Bernie V. Franco
Jan 10, 2020
Enrique Gil and Liza Soberano, two of ABS-CBN's prime artists, also make an appeal to President Rodrigo Duterte to reconsider his stand on the network's franchise renewal. ABS-CBN's franchise to broadcast is set to end on March 30, 2020.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagpahayag na rin ng kanilang saloobin sina Liza Soberano, 22, at Enrique Gil, 27, hinggil sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sina Liza at Enrique—kilala rin bilang LizQuen—ay kabilang sa prime artists ng Kapamilya network.

Mag-e-expire na ang franchise to broadcast ng network sa March 30, 2020.

Kapag nangyari ito, mawawalan ng lisensiya ang ABS-CBN para mag-broadcast ng mga programa nito sa telebisyon.

“Actually, sa birthday ko po yun. Sakto sa birthday ko,” sambit ni Enrique bilang pagtukoy sa araw na magtatapos ang franchise ng kinabibilangang network.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sina Enrique at Liza a press conference ng upcoming primetime series nilang Make It With You, na ginanap sa Dolphy Theatre, ABS-CBN Compound, nitong Huwebes, January 9, 2020.

LIZA APPEALS TO THE PRESIDENT

Tinanong sina Liza at Enrique kung may apela ba sila sa Pangulo hinggil sa isyu.

Continue reading below ↓

Noong una ay may agam-agam pa si Liza na sagutin ang tanong.

Aniya, “Words for the President? Oh my gosh..."

Pero patuloy ng aktres, “I believe that he’s understanding. I believe alam naman niyang maraming maaapektuhan.

“It’s not just the company itself, but all the employees.

“And I’m sure he has a generous heart and an understanding heart.

“So I hope he wakes up one morning and he thinks about it, and then maging bukas ang puso niya sa lahat ng smaller employees na nangangailangan ng trabaho.”

Hindi na nagsalita si Enrique, subalit pagkatapos ng presscon proper ay tinanong ng PEP.ph ang kanyang saloobin tungkol dito.

Sagot niya, “All I have to say, ang iniisip ko lang, yung mabababang posisyon, but I don’t really know...

“But, you know, I don’t know what to say…

“Siyempre, nasasaktan din ako.

“There’s a possibility any time na matuloy [na hindi ma-renew].”

Sundot pa ni Liza, “Because this is the company that we grew up with.”

Continue reading below ↓

Pahabol ni Enrique, “We’ve been here a long time.

“I don’t know, man, I just hope for the best...”

Samantala, nagbigay rin ng kanyang pahayag ang writer ng Make It With You na si Mark Angos ukol sa isyu.

Aniya, “We are not privy sa details ngayon with what’s happening.

“But one thing has been assured to us…

“The management and our bosses are always there and assuring us na anuman ang mangyari, magkakapamilya kami dito sa ABS-CBN and we will be taken care of.

"So, the management is asking us to focus on… do what we do best, which is give entertainment and makapagpasaya ng maraming pamilya dito.”

SHARON CUNETA ALSO APPEAS TO THE PRESIDENT

Bukod kina Liza at Enrique, umapela rin ang Megastar na si Sharon Cuneta kay Pangulong Duterte.

Sa kanyang hiwalay na presscon kahapon, panawagan ni Sharon: "I pray that our dear President reconsiders his decision about ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"Not just because I just renewed, I can always find a job.

"But everybody I grew up with here who have remained loyal to the station—and have grown up here, have learned from the school of hard rocks here, have become family, good friends—will lose almost everything they've built over the years."

Noong December 30, 2019, pinayuhan ng Pangulo ang mga may-ari ng ABS-CBN na ibenta na lamang ang network giant.

Ito ang pinakahuli sa ilang beses nang banta ni Duterte na hindi niya papayagang makapag-renew ng franchise ang giant network.

Ito ay nag-ugat sa hindi umano pag-ere ng ABS-CBN ng campaign ad ni Duterte noong 2016 presidential elections kahit na bayad na ito.

Higit sa dalawang buwan bago ang franchise expiration ng ABS-CBN, hindi pa rin naaaksiyunan ng mga mambabatas ang mga panukalang batas sa Senado at Kongreso na may kinalaman dito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enrique Gil and Liza Soberano, two of ABS-CBN's prime artists, also make an appeal to President Rodrigo Duterte to reconsider his stand on the network's franchise renewal. ABS-CBN's franchise to broadcast is set to end on March 30, 2020.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results