Martin Nievera wants a "quality guy" for ex-wife Pops Fernandez

Jan 10, 2020
Former couple and Concert King and Queen, Martin Nievera and Pops Fernandez, are set to reunite onstage for a Valentine concert series titled "Two-gether Again," at The Theatre at Solaire, on February 14, 15, 17, 18, 19, 20, and 21, 2020.
PHOTO/S: Noel Orsal

Walang pagseselos na mararamdaman si Martin Nievera sakaling magkaroon uli ng bagong karelasyon ang dating asawang si Pops Fernandez.

Sa halip na selos, sabi ng 57-anyos na singer, ang mas concern niya ay, “like a father to a daughter,” sa tunay na intensiyon ng lalaking susunod na mamahalin ni Pops.

“At this point, probably yung selos was secret lang,” sinabi ni Martin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang reporters na dumalo sa mediacon nitong Miyerkules, January 8, sa Quezon City, para sa Valentine concert nila ni Pops.

Ang Two-gether Again, ng tinaguriang Concert King and Queen ng bansa, ay idaraos sa February 14, 15, 17, 18, 19, 20, 21 sa The Theatre at Solaire.

“Sa akin lang yun, because I think it’s wrong,” dagdag ni Martin, nang matanong kung nagseselos pa rin ba siya sa posibilidad na magkaroon ng bagong karelasyon si Pops.

“But more than selos, I would be very concerned like—it sounds weird—but like a father to a daughter, like… ano bang intentions nung lalaki? Parang ganun.

Continue reading below ↓

“I want her to be happy, but I don’t think there’s any guy out there that deserves this kind of woman.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

MARTIN HAS “VERY HIGH” STANDARDS FOR POPS’S NEW LOVE

Dahil dito, inamin ni Martin na “very high” ang standards niya para sa susunod na makakarelasyon ng ina ng mga anak niyang sina Robin at Ram Nievera.

“Yung standards ko, para sa… the guy who will make her happy next, is very high,” pag-amin ni Martin.

Tiniyak din ni Martin na hindi siya makararamdam ng selos sa susunod na makakarelasyon ni Pops.

Paliwanag niya: “But jealousy na I don’t want anyone with her? No, no. I want Pops to be happy.

“If I couldn’t give her the happiness that she truly deserves, then maybe she’d find it in someone else.

“And if she does, I wanna make sure that he’s a quality guy. Inside and out, soul, spirit.”

Continue reading below ↓

TRIVIA: MARTIN HATES THE SONG “SMOOTH OPERATOR”

Ito man ang posisyon ngayon ni Martin, aminado siyang “very jealous type” siya noong mag-asawa pa sila ni Pops.

Pag-amin ni Martin, “Naku, ang dami kong mga furniture na sinira.”

Ikinuwento ng singer ang isang insidente noon nang magwala siya dahil sa pagseselos nang magtanghal ng sexy dance si Pops.

Nang mga panahong iyon, napapanood pa sina Martin at Pops sa late-night musical variety show ng GMA-7 na The Penthouse Live! noong 1980s.

Kuwento ni Martin: “There’s one time sa Penthouse Live!, nag-dance siya ng 'Smooth Operator.'

"That’s why I hate that song.

“Up to this day, I hate that song, because she did a sexy dance.”

Sumabad si Pops at sinabing hindi sexy dance ang ginawa niya, dahil pajama pa nga raw ang suot niya sa nasabing performance.

Katuwiran naman ni Martin, sexy na damit ang dapat sana ay isusuot ni Pops sa naturang performance, pero nauwi ito sa pagsusuot ng pajama dahil nakialam siya.

Continue reading below ↓

“Sinuntok ko yung set ng Penthouse Live!, pati sa dressing room ko,” pagbabalik-tanaw ni Martin sa ginawa niya, bunsod ng matinding selos.

MARTIN REMEMBERS A PARTICULAR SCENE FROM POPS-ROBIN MOVIE

Idinetalye pa ni Martin kay Pops ang ilang eksena sa mga pelikulang ginawa ng dating misis, na pinanood daw niyang lahat.

“I’ve seen you in so many movies. You didn’t know, I watched all your movies,” sabi ni Martin kay Pops.

“Mga rolling in the beach... 'tapos Videoke King…”

Ang Videoke King ay pelikulang pinagbidahan nina Pops at Robin Padilla noong 2002.

“Si Robin Padilla hinalik yung paa mo, di ba, remember?” mistulang sumbat pa ni Martin, na ikinatawa ng mga dumalo sa presscon.

Tinanong ni Pops si Martin kung hanggang ngayon ba ay matindi pa ring magselos ang dating mister.

“Not anymore,” sagot ni Martin. “I’ve learned now that it’s really part of the [show] business.”

Taong 1986 nang magpakasal sina Martin at Pops, pero nagkahiwalay sila makalipas ang mahigit isang dekada.

Continue reading below ↓

Na-annul ang kanilang kasal noong 2000.

Nakarelasyon ni Martin si Katrina Ojeda, pero naghiwalay rin sila. Nagkaroon sila ng anak na lalaki, si Santino.

May girlfriend ngayon si Martin, habang single naman si Pops.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former couple and Concert King and Queen, Martin Nievera and Pops Fernandez, are set to reunite onstage for a Valentine concert series titled "Two-gether Again," at The Theatre at Solaire, on February 14, 15, 17, 18, 19, 20, and 21, 2020.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results