Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Katya Santos recalls encounter with bratty young actress from PBB

by Bernie V. Franco
Jan 10, 2020
Katya Santos to young stars: "Basta magkaroon kayo ng decency or ng manners and respect na magpakilala, or bumati, or maging magalang lang sa mga nakakatanda sa inyo."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ikinuwento ni Katya Santos ang hindi magandang karanasan niya sa isang young actress na produkto ng isang reality-based television show.

Ani Katya, pinakitaan siya ng hindi magandang pag-uugali ng naturang young actress na nakatrabaho niya sa isang teleserye.

Sa grand launch ng Make It With You, ang upcoming ABS-CBN primetime series na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil, nitong Huwebes, January 9, pinuri ni Katya ang LizQuen dahil sa magandang attitude nila sa trabaho at mga katrabaho.

Pero naibahagi rin ng dating miyembro ng Viva Hot Babes ang hindi magagandang karanasan niya sa ibang mga batang artista.

Lahad ni Katya, “Kasi ngayon, pag nag-o-observe ako, iba na yung millennials, yung mga bagong artista, yung mga bata.

“So nung una, nakita ko sila [LizQuen], medyo nahihiya ako kasi hindi ko alam kung paano ba yung way nila.

"Kasi may mga bagong bata na hindi masyadong namamansin talaga, hindi masyadong… walang respect minsan, ganyan…

Continue reading below ↓

“Pero nagulat ako, kasi kung ano yung mga kinalakihan namin, ganoon silang dalawa—very humble, very simple.

“Yun mismo yung sinabi ko sa kanila, yung dating buhay namin… meron sila nung manners and respect.

“Talagang magri-reach out sila sa iyo, magpapakilala sila…”

KATYA'S UNPLEASANT EXPERIENCE WITH A YOUNG ACTRESS

Pagkatapos ng presscon proper, tinanong ng PEP.ph at dalawa pang reporters si Katya tungkol sa mga karanasan niya sa mga batang artistang hindi nagpapakita ng respeto sa senior stars.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May sinabihan na ba siyang batang artista dahil sa attitude problem nito?

Tugon niya, “Wala, pero meron ako yung hindi talaga… yung parang tiningnan ko lang na, ‘Okay ka lang? Bakit mo ako kinukuwestiyon nang ganyan?’”

Nagdetalye si Katya sa hindi magandang karanasan niya sa young actress na tinutukoy niya.

“Tinitingnan niya ako from head to foot, sabi niya, ‘Who are you?’ ginanun niya ako.

“'Tapos tiningnan ko lang siya. Hindi ko siya sinagot kung sino ako."

Continue reading below ↓

Nangyari raw ito sa taping ng isang teleserye.

Marahil ay nagtaka raw ang young actress kung bakit maraming kakilala si Katya sa kanilang set.

“Kasi sa isang taping ito, 'tapos tumitingin siya, kasi ‘Uy! Hi! Kamusta?’ ganyan…

"Siya, parang ano siya, wonder…" sabay muwestra na tumitingin mula ulo hanggang paa.

"Sabi niya, ‘Who are you?’ sabi niya sa aking ganoon."

May kasama raw pag-irap ang tanong sa kanya ng young actress.

“Pero hindi ko sinagot kung sino ako, parang ganoon lang.

“That was siguro mga two years ago.”

Bago ang Make It With You, ang dalawa pang ginawang teleserye ni Katya sa ABS-CBN ay ang Born For You (2016) at Los Bastardos (2018-2019).

Humingi kami ng clue kung sino ang tinutukoy na young actress ni Katya.

“This girl from Pinoy Big Brother,” ani Katya, patukoy sa reality-based TV show ng ABS-CBN.

Hindi nilalahat ni Katya, pero sadyang mayroon daw mga batang artista na hindi marunong magpakita ng respeto sa kanilang senior co-stars.

Continue reading below ↓

“So minsan, di ba, yung mga ibang nanggagaling doon… I’m not saying everyone.

“May mga konti na hindi kasi nila naranasan yung naghirap, e.

“Kami kasi, nag-audition kami.

“Ngayon, ang dali kasing sumikat... YouTube… it’s easy.”

Bilang nakatatanda, si Katya na raw ang umiintindi sa mga ganitong sitwasyon.

Sabi niya, “Siyempre nakakainis, pero ang ginagawa ko, ako yung bumabati, ako yung unang nagpapakilala.

"Kasi nga, iniintindi ko na lang yung thought na iba yung millennials talaga.

“Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ngayon, bakit ganun yung ugali nila.

“Pero para na lang mas maganda… baka kasi nahihiya yung iba, o siguro hindi nila mini-mean na hindi bumati, or hindi rin naman nila ako kilala, dahil hindi naman nila ako naabutan.

“So, I introduce myself.”

Hindi ba niya pinapangaralan ang mga batang artista?

Ayon kay Katya, “Hindi ko ata personality kasi naano rin ako... awkward din…

“Siguro kung maging close ko na.

Continue reading below ↓

“Although merong instances na imbiyerna ako.”

May payo rin siya sa mga batang artista pagdating sa pagbibigay ng respeto sa kanilang mga katrabaho.

“Just please… even if you don’t know the person, I’m sure you know how the actors look like or kahit hindi sila actors, basta magkaroon kayo ng decency or ng manners and respect na magpakilala, or bumati, or maging magalang lang sa mga nakakatanda sa inyo, at sa mga kapantay ninyo.

“Kasi siyempre, sa industry natin, at the end of the day, it’s still your attitude more than the talent, e, yung working attitude…”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katya Santos to young stars: "Basta magkaroon kayo ng decency or ng manners and respect na magpakilala, or bumati, or maging magalang lang sa mga nakakatanda sa inyo."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results