Joem Bascon's ex-girlfriend Crisha Uy says actor "fell out of love"

by Jet Hitosis
Jan 10, 2020
Crisha Uy on breaking up with Joem Bascon: “Mahirap sabihin pero wala na tayong magagawa if he fell out of love. Hindi ko naman puwedeng pilitin yung tao na hindi na ako mahal."
PHOTO/S: @crishauy, @basconetti on Instagram

“He fell out of love.”

Ito ang inamin ni Crisha Uy tungkol sa hiwalayan nila ng aktor na si Joem Bascon sa latest vlog niya ngayong Biyernes, January 10.

Sa mahigit na 11-minutong vlog, sinabi ng 31-anyos na dalaga na kinailangan niyang magsalita upang sagutin ang mga katanungang natatanggap niya kaugnay ng hiwalayan nila ng 33-anyos na dating live-in partner.

Tumagal ng walong taon ang relasyon nina Joem at Crisha.

Ayon sa vlogger, wala siyang pinagsisisihan sa pinagsamahan nila ni Joem na muntik pa ngang mauwi sa kasalan.

“Hindi ko ni-regret na naging kami, at hindi ko ni-regret yung eight years namin, kasi mahal ko naman siya,” sabi ni Crisha, na sinundan ng pag-iyak.

“MAY ISANG NANG-IIWAN AT INIIWAN”

Sa pagpapatuloy ng kanyang vlog, kinumpirma ni Crisha ang hinala ng marami na si Joem ang nakipaghiwalay sa kanya.

“Ako kasi, naniniwala din ako na kapag nagbe-break, may isang nang-iiwan at iniiwan.

Continue reading below ↓

“Mahirap sabihin, pero wala na tayong magagawa if he fell out of love.

“Hindi ko naman puwedeng pilitin yung tao na hindi na ako mahal.

“Mahirap tanggapin, pero kailangan mong tanggapin.

“I don’t want to blame myself, kasi wala na tayong magagawa. That’s uncontrollable.

“Maybe we’re not just meant to be.”

JOEM HAS MOVED ON

Binanggit din ni Crisha ang tungkol sa napapabalitang may bago nang karelasyon ngayon si Joem.

“Kung may minahal na siya agad pagkatapos, it’s not really my business anymore, kasi dun lang ako sa parte ng buhay niya na involved ako,” anang vlogger.

“Sa mga concerned sa akin, nagme-message sa akin, nagse-send ng photos… pero if you see him na may kasamang iba, it’s not my concern anymore.”

SECOND CHANCE WITH MERYLL?

Ilang linggo makaraang kumpirmahin ni Joem sa media na hiwalay na sila ni Crisha, naglabasan ang balitang nakabalikan niya ang dating girlfriend na si Meryll Soriano.

Continue reading below ↓

Magkasama pa ngang nagdiwang ng Bagong Taon sina Joem at Meryll, 37, sa selebrasyon sa bahay ng pamilya ng aktres.

Gayunman, hanggang ngayon ay kapwa tumatanggi sina Joem at Meryll na kumpirmahin kung nagkabalikan nga ba sila.

Unang nagkatrabaho sina Joem at Meryll sa ABS-CBN primetime series na I Love Betty La Fea (2008-2009), hanggang sa magkaroon sila ng relasyon.

Pero nagkahiwalay sila makalipas ang isang taon.

Muling nagkatrabaho sina Joem at Meryll sa magtatapos nang Kapamilya teleserye na Starla, at sa kapalalabas na 2019 Metro Manila Film Festival entry na Culion.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Crisha Uy on breaking up with Joem Bascon: “Mahirap sabihin pero wala na tayong magagawa if he fell out of love. Hindi ko naman puwedeng pilitin yung tao na hindi na ako mahal."
PHOTO/S: @crishauy, @basconetti on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results