James Reid posts new photo with Nadine Lustre amid reported breakup

by Rachelle Siazon
Jan 10, 2020
Amid reported breakup with Nadine Lustre, James Reid posts cryptic message about freeing himself from questions that have no answers
PHOTO/S: @renzonwolfstudio via @james / @nadine Instagram

Nagpakawala ng matalinhagang mensahe si James Reid siyam na araw mula nang mapabalitang hiwalay na sila ng girlfriend niyang si Nadine Lustre.

Sa scoop ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 1, 2020, nakasaad na tinuldukan na ng magkasintahan ang halos apat na taon nilang relasyon dahil sa "irreconcilable differences."

Sa unang pagkakataon, tila nagparamdam si James ng saloobin niya sa pamamagitan ng pagbahagi ng litrato nila ni Nadine.

Kuha iyon sa tuktok ng Mt. Ulap sa Ampucao, Itogon, Benguet kung saan nag-hike ang dalawa kasama ang iba pang malalapit na kaibigan.

Kalakip din ng post ni James ang dalawa pang litrato ng Kapamilya actor at kasama niyang dalawang lalaki.

Sa caption, may mensahe tungkol sa pagharap sa agos ng buhay sa kabila ng mga katanungang hindi mahanapan ng kasagutan.

"I’ve come to understand that what we’re looking for is found in the absence of searching

"And the answer found in the absence of questions.

Continue reading below ↓

"If you know what I mean, it’s time to tune in.

"If you don’t... then aren’t you lucky.

"So this is me, tuning in."

Base rito, hindi pa rin lubusang malinaw kung ano ang posisyon ni James sa naiulat na hiwalayan nila ni Nadine.

NADINE'S CRYPTIC POSTS

Pero halos katulad din ito ng mga cryptic post ni Nadine sa Instagram kamakailan, partikular na ang post ng dalaga na beach photo noong December 29 kalakip ang caption na "no questions. just go with it."

Continue reading below ↓

Naka-tag sa litrato si James at ang kapatid nitong si Lauren.

Nagkomento pa rito si Lauren ng broken heart at crying emojis sabay sabing, "But I have so many questions!"

Magkasamang nagdiwang ng Pasko at sumalubong sa Bagong Taon sina James at Nadine.

JADINE BREAKUP REPORTS

Pero ayon sa source ng PEP.ph na malapit sa magkasintahan, nag-alsa balutan si Nadine at umalis ng bahay ni James kunsaan magkasama silang nanirahan sa loob ng ilang taon.

Continue reading below ↓

Ang contributing writer ng PEP.ph na si Jojo Gabinete ang awtor ng nasabing artikulo.

Sa gitna ng isyu, binasag ni Nadine ang kanyang katahimikan matapos maglabas ng hiwalay na ulat ang beteranong entertainment editor at columnist na si Ricky Lo ng The Philippine Star noong January 4.

Nakasaad doon ang impormasyong sa isang posh condominium sa Makati lumipat si Nadine matapos umalis ng bahay ni James sa Quezon City.

Sa printed edition ng artikulo, sinabi ni Ricky na sa kabila ng breakup ng couple ay concerned pa rin umano si James kay Nadine.

Ang isinulat ni Ricky: "James is handling the breakup with care to cushion the impact on Nadine who has admitted grappling with mental illness."

Nabanggit din doon ang tungkol sa yumaong kapatid ni Nadine.

Pero tinanggal ang bahaging ito sa online edition ng artikulo.

NADINE'S STATEMENT

Hindi ito nagustuhan ni Nadine.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, inalmahan ng dalaga ang umano'y pagdawit ni Ricky sa "mental illness/tragic past" ng isang tao "just to prove a point."

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Nadine kay Ricky na "none of what you said was true."

Gayunpaman, hindi binanggit ni Nadine ang pangalan ni James at kung sila pa rin nga ba hanggang sa kasalukuyan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid reported breakup with Nadine Lustre, James Reid posts cryptic message about freeing himself from questions that have no answers
PHOTO/S: @renzonwolfstudio via @james / @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results