Ai-Ai delas Alas on ABS-CBN franchise renewal: “Let’s hope for the best.”

by Arniel C. Serato
Jan 11, 2020
Ai-Ai delas Alas wishes positivity in her life this year: "Positivity, magandang buhay, magandang pakikisama. E, magaan yung buhay pag ganun.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi na maiwasan ngayon sa mga pagtitipon sa showbiz ang usapin tungkol sa ABS-CBN franchise renewal.

Hindi lamang mga Kapamilya stars ang madalas matanong ukol dito kundi pati na ang dating mga talents ng ABS-CBN na nasa GMA Network na ngayon, katulad na lamang ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Taong 2015 lumipat si Ai-Ai sa GMA-7 mula sa ABS-CBN, na naging tahanan niya sa loob ng 16 years.

Ngayong nanganganib ang franchise renewal ng dati niyang home network, ano ang masasabi niya?

Saad ng 55-year old comedienne, “Mahirap kasing usapin din yan, e.

“Kasi unang-una, hindi ko naman alam kung ano ang ins and outs nun, kaya wala din naman akong karapatang magsabi ng kung ano.

“Basta ang ano lang, let’s hope for the best...

“Para dun sa mga taong nagtatrabaho sa ABS.”

Masasabi ba niyang blessing in disguise na umalis na siya sa ABS-CBN?

Tugon niya, “Hindi naman. Nagkataon lang na siguro ito yung ano ko talaga... ang patutunguhan o destiny ko na mapunta sa GMA.

Continue reading below ↓

“Noong time na hindi na ako... nasa ABS, nung wala na akong work, ang talagang plano ko pupunta akong Amerika, yun talaga.

“Kaya noon, may bahay ako sa Amerika kasi yun talaga ang plano ko.

“It’s either hindi na ako mag-aartista, mananahimik na lang ako sa Amerika.

“Pero kinuha nga ako ng GMA so I think destiny yung nangyari sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa presscon ng pelikulang pinagbibidahan niya na D’ Ninang noong January 8 sa Valencia Events Place, Quezon City.

Kasama ni Ai-Ai sa pelikula sina Joey Marquez, Kisses Delavin, McCoy de Leon, Kelvin Miranda, Angel Guardian, Lou Veloso, at Kiray Celis.

Ipapalabas na ito sa mga sinehan sa darating na January 22.

POSITIVITY IN 2020

Sa isang Instagram comment, positibong sinagot ni Ai-Ai ang isang follower niya na nagtanong kung bakit hindi na siya kasama sa bagong Sunday variety show ng GMA na All-Out Sundays.

Continue reading below ↓

Isa si Ai-Ai sa naging haligi ng Sunday PinaSaya noon.

Kuwento nito, “E, ganun naman kasi ang buhay, e.

“Siguro yung maturity ko, yung kinakain ko, yung lifestyle ko, nagbago na lahat ng pananaw mo sa buhay, puro positive nalang.

“Positivity, magandang buhay, magandang pakikisama. E, magaan yung buhay pag ganun.”

Kasama kaya nito ang forgiveness o pagpapatawad sa mga nakaalitan niya noon?

Pag-amin niya, “Dati pa naman akong may forgiveness.”

Pero natatawa na ito at ayaw na niyang tanungin pa ng mga pangalang kanyang napapatawad.

Halakhak niya, “Tama na ano, 2020 na. Ano na. Hindi na, ayoko na.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas wishes positivity in her life this year: "Positivity, magandang buhay, magandang pakikisama. E, magaan yung buhay pag ganun.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results