Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Julia Barretto, Joshua Garcia reveal how they felt after seeing each other again

by Bernie V. Franco
Jan 11, 2020
Julia Barretto (fourth from left) and Joshua Garcia (sixth from left) admit that they missed each other after not seeing each other for some time. The ex-couple are starring in the upcoming zombie movie, Block Z.
PHOTO/S: @red_mikhail on Instagram

Nagbigay ng pahayag sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa estado ng kanilang relasyon ngayon matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila noong nakaraang taon.

Ngayong Sabado ng gabi, January 11, 2020, ginanap ang press conference ng pelikulang Block Z, ang upcoming zombie movie ng dating magkasintahan.

Sina Julia at Joshua ay magkarelasyon pa nang simulang gawin ang pelikula at nagkahiwalay bago nila ito matapos i-shoot.

Mahihinuha na maingat sa pagsagot ang dating magkasintahan nang matanong kung kamusta na sila ngayon.

Si Joshua ang unang sumagot.

“Okay naman kami. Okay kami and… okay kami...” maingat na sagot ng aktor.

Umamin din si Joshua na na-miss niya si Julia nang muli silang magkita.

“Actually, nung nakita ko siya, ito personally, parang na-miss ko din siya.

“Kasi siyempre, ang tagal naming hindi nagkasama… na-busy siya, na-busy ako.”

Sinegundahan ito ni Julia.

Sabi ng aktres, masaya siya na napanatili nila ni Joshua ang friendship sa kabila ng paghihiwalay.

Continue reading below ↓

Sinabi rin niyang na-miss niya si Joshua nang magkita sila dahil matagal din silang nagkasama noon.

“We’re okay. And that’s one of the things I’m grateful for… that we were able to really protect and make sure that the friendship will stay and remain,” sagot ng aktres.

“And tama siya.

“When I first saw him also, it felt familiar… kumbaga, parang it’s a familiar place, it’s a comfortable, safe place.”

Bago ang pagkikitang ito sa presscon, ang pinakahuling napabalitang pagku-krus ng landas ng dalawa ay nang magkita sila sa shooting ng Christmas Station ID ng ABS-CBN noong November 2019.

April 2019 nang aminin nina Julia at Joshua na dalawang taon na silang magkarelasyon.

Pero ilang buwan lamang pagkatapos umamin, nagkahiwalay ang dalawa.

Sa isang interview noong June 2019 ay sinabi ng dalawa na balik muna sila sa pagiging matalik na magkaibigan.

Ito rin ang mga panahong nali-link na si Julia kay Gerald Anderson, na karelasyon naman noon ni Bea Alonzo.

Continue reading below ↓

Nagsimula ang pag-link kina Julia at Gerald nang gawin nila ang pelikulang Between Maybes na ipinalabas noong May 2019.

Pagsapit naman ng July 2019 nang pumutok ang malaking balitang paghihiwalay nina Bea at Gerald, kasunod ng pag-post sa social media ng paparazzi shots nina Gerald at Julia, na inakusahang third party umano.

Nakunang magkasama sina Gerald at Julia pagkatapos dumalo sa birthday ng kaibigang si Rayver Cruz at ipinost ito sa social media.

Samantala, ang Block Z ay pinagbibidahan din nina McCoy de Leon, Maris Racal, Yves Flores, Ian Veneracion, at Dimples Romana.

Ipapalabas ito sa January 29, 2020.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto (fourth from left) and Joshua Garcia (sixth from left) admit that they missed each other after not seeing each other for some time. The ex-couple are starring in the upcoming zombie movie, Block Z.
PHOTO/S: @red_mikhail on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results