Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Julia Barretto unfollows Joshua Garcia, Janella Salvador on Instagram

by Rachelle Siazon
Jan 13, 2020
Did Julia Barretto (left) unfollow ex-boyfriend Joshua Garcia (center) and close friend Janella Salvador (right) after the actor spoke of being good friends with The Killer Bride co-star?
PHOTO/S: @juliabarretto / @joshuavgarcia via @garciajoshuae / @superjanella Instagram

In-unfollow ni Julia Barretto sa Instagram ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia at ang close friend na si Janella Salvador.

Ito ang napansin ng ilang netizens na sumusubaybay sa tatlong Kapamilya stars.

Kung titingnan ang Instagram account ni Julia, "no users found," o wala na sa listahan ng pina-follow ni Julia ang mga pangalan nina Joshua at Janella.

Hindi malinaw kung bakit in-unfollow ni Julia ang dalawa.

Noon lang Sabado, January 11, nagkita pa sina Julia at Joshua sa media conference ng pelikula nilang Block Z.

Hindi na rin makikita sa feed ni Julia ang mga solo nilang litrato ni Joshua.

Maliban na lang sa mga litrato kunsaan naroon din ang mga kamag-anak at kaibigan ni Julia, o kaya ay promo material ng defunct ABS-CBN prime-time series nilang Ngayon at Kailanman.



Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Sa kaso ni Joshua, pina-follow pa rin niya si Julia sa Instagram.

Pero napansin ng netizens na burado na ang mga caption ni Joshua sa lahat ng litrato nilang magkasama.

Tulad ng litratong ito na kuha noon pang February 2019:

Continue reading below ↓

Tanong ng netizens: May kinalaman kaya ang pag-unfollow ni Julia sa pag-post ni Joshua ng pictures nila ni Janella?

JOSHUA THANKS JANELLA FOR THEIR FRIENDSHIP

Sina Joshua at Janella ay magkatambal sa ABS-CBN prime-time series na The Killer Bride, na magtatapos na sa January 17.

Kahapon, January 12, sunud-sunod ang post ni Joshua sa Instagram ng mga litrato nila ni Janella na kuha nang sila ay mag-duet sa ASAP Natin To.

Sabi ni Joshua kay Janella sa kanyang caption: "I am lucky to have a friend like you."

Continue reading below ↓

Sa comments section, hindi napigilang kiligin ng kanilang co-star na si Maja Salvador, na noon pa man ay gustung-gusto ang love team nina Joshua at Janella.

Ani Maja: "@garciajoshuae beber naiihi na naman ako [smile with tongue sticking out emoji] ni! emma @superjanella [blowing kiss emoji]"

Natawa lang si Joshua sa comment ni Maja.


Continue reading below ↓

Sa backstage ng ASAP Natin 'To, panay rin kasi ang kulitan nilang tatlo.

Ipinakita pa ni Maja sa kanyang Instagram Stories ang video nang akmang kikilitiin ni Joshua si Janella.

"I'm gonna get you!" nangungulit na panakot ni Joshua kay Janella.

Napapangiti lang si Janella at tinaas pa ang dalawang kamay na wari'y hindi natinag sa pangingiliti ni Joshua.

Napatili naman si Maja habang pinapanood ang dalawang young stars.

Ni-repost din ni Joshua sa Instagram Stories ang video na iyon ni Maja.

Continue reading below ↓

JANELLA ON JOSHUA AND JULIA's breakup

Minsan nang nasabi ni Janella na naging malapit na magkaibigan sila ni Joshua sa loob ng ilang buwan nilang pagtatrabaho sa The Killer Bride.

Nagkakakuwentuhan din daw sila tungkol sa mga personal nilang buhay.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 14, 2019, sinabi ni Janella na sa tingin niya ay naka-move on na si Joshua sa breakup nila ni Julia noon pang April 2019.

"Hindi ko siya nakitaan ng na-depress or whatever.

"He told me happy naman siyang nag-e-explore sa life by himself. So he's doing good."

Nilinaw rin noon ni Janella na hindi isyu na parehong malapit sa kanya sina Joshua at Julia.

"I'm still friends with Julia, but that doesn't mean naman hindi kami puwedeng maging friends ni Joshua," ani Janella.

Wala raw pagkakataong magkita sina Janella at Julia noon, pero kinukumusta raw ni Janella si Julia sa pamamagitan ng occasional text messages.

Continue reading below ↓

JOSHUA-JANELLA SUPPORTERS

Sa kabilang banda, marami sa fans ng onscreen love team nina Joshua at Janella ang kinilig sa Instagram post ng aktor.

May mga nag-aasam ding maging sila sa totoong buhay.

Continue reading below ↓

Pero may iba ring netizens ang aminadong may ibang napupusuan si Janella.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

JANELLA'S RUMORED ROMANCE

Ang dating Filipino-British contestant ng Pinoy Boyband Superstar na si Markus Patterson ang hinihinalang karelasyon ni Janella.

Nagsimula silang maugnay noong March 2019, pero hanggang sa kasalukuyan ay pa-safe si Janella sa tuwing natatanong kung sila na nga ba ni Markus.

Noong nagdaang holiday break, tila magkasamang nagbakasyon sina Janella at Markus sa Wiltshire, England.

Walang litratong magkasama sina Janella at Markus, pero pareho silang may litrato sa lugar pagpasok ng taong 2020.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did Julia Barretto (left) unfollow ex-boyfriend Joshua Garcia (center) and close friend Janella Salvador (right) after the actor spoke of being good friends with The Killer Bride co-star?
PHOTO/S: @juliabarretto / @joshuavgarcia via @garciajoshuae / @superjanella Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results