Frankie Pangilinan, Jed Madela slam jokes, memes about Taal Volcano eruption

by Bernie V. Franco
Jan 13, 2020
Frankie Pangilinan (left) and Jed Madela take to social media to condemn the proliferation of jokes and memes about the eruption of Taal Volcano.
PHOTO/S: @frankiepangilinan and @jedmadelaofficial on Instagram

Ikinagalit ng ilang celebrities ang naglabasang jokes at memes kasunod ng pagputok ng Taal Volcano sa Batangas na nagsimula nitong Linggo, January 12.

Kabilang sina Frankie Pangilinan, Jed Madela, at Dawn Chang sa mga nag-post sa social media upang kondenahin at punahin ang mga insensitibong post ng netizens tungkol sa trahedyang ito.

Labis na naapektuhan ang malaking bahagi ng Batangas, gayundin ang mga kalapit na lalawigan gaya ng Cavite, Rizal, Quezon, at Laguna.

Umabot din ang ashfall sa Metro Manila at iba pang northern provinces.

Narito ang ilan sa hindi magagandang biro at memes na ipinost ng netizens kaugnay ng patuloy na pag-aalburoto ng Taal Volcano:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May isa pa ngang meme kung saan ikinabit sa larawan ng Taal ang lumang pictorial ng mga miyembro ng national rugby team na Philippine Volcanoes.

FRANKIE SLAMS "INSENSITIVE" NETIZENS

Sunod-sunod ang tweets ni Frankie Pangilinan, panganay na anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan, para ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa jokes at memes tungkol sa pagsabog ng bulkan.

Continue reading below ↓

Unang tweet ng dalaga (published as is): “stop with the taal jokes btw i’ve seen too many of them and they’re breaking my heart [sad emoji] maging sensitibo naman po tayo”

Hindi rin ikinatuwa ni Frankie ang pagtu-tweet ng netizens ng kanilang pagkamangha dahil daw sa ganda o “aesthetic value” ng sumasabog na bulkan.

Continue reading below ↓

Tweet ni Frankie (published as is): “i didn’t realize so many people were trying to make taal an aesthetic.

“that’s not ok and i’m deleting my lil unintentional contribution to that vibe now.

“i usually just process best with words or poetry. bye bye post.”

Patutsada pa ni Frankie, huwag maging insensitibo sa paghihirap ng iba dahil sa nangyayaring trahedya ngayon sa kanila.

Continue reading below ↓

Tweet niya (published as is): “like yuck?? don’t be all “beautiful disaster” pls? mother nature is terrifying and we can sit here in awe but never neglect the suffering of sm people”

May mga netizen na sumagot kay Frankie upang dumepensa na walang masama sa pagpuri nila sa mga magagandang kuha ng sumasabog na Taal Volcano.

Continue reading below ↓

Ang iba ay hindi na mabasa ang kanilang pagdepensa.

Sagot ni Frankie, hindi masama ang pagpuri sa ganda ng kalikasan, pero ang pagpu-post tungkol sa ganda ng natural disasters ay insensitibo para sa mga apektado ng trahedya.

Nangatuwiran ang isang netizen na bagamat dapat unahin ang kaligtasan ng mga tao, hindi raw maikakailang mapamamangha sa ganda ng mga kuhang larawan dahil ang kalikasan “can be beautiful and terrifying at the same time.”

Continue reading below ↓

Nanindigan naman si Frankie sa kanyang opinyon na wala mang masama sa paghanga sa ganda ng kalikasan, gaya ng kuha ng sumasabog na bulkan, insensitibo pa rin ang pagpu-post tungkol dito lalo na’t may direktang apektado.

Ani Frankie (published as is): “it’s about the way such posts are made i suppose. it’s alright to appreciate the awe-inducing beauty of nature, but also incredibly insensitive to post “aesthetic” boards or artistic-feeling photographs without any regard for the suffering of others.”

Continue reading below ↓

JED MADELA & DAWN CHANG

May mensahe rin ang ABS-CBN celebrities na sina Jed Madela at Dawn Chang kaugnay ng insensitibong pagpu-post ng ilang netizens tungkol sa Taal Volcano eruption.

Ani Jed, hindi nakakatawa ang mga joke at meme sa mga panahong gaya nito.

Continue reading below ↓

Tweet naman ni Dawn, siguradong may mga netizen na hahanap ng memes tungkol sa pagputok ng bulkan.

Sunud-sunod din ang panawagan ng netizens na itigil ang pagpu-post ng insensitive memes and jokes tungkol sa Taal Volcano.

Mayroon pa ngang nag-share ng isang pamilya, na kinabibilangan ng ilang batang nasalanta ng pagputok ng Taal Volcano.

Continue reading below ↓

Narito ang ilang post ng netizens na nananawagang huwag gawing biro ang Taal Volcano eruption.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan (left) and Jed Madela take to social media to condemn the proliferation of jokes and memes about the eruption of Taal Volcano.
PHOTO/S: @frankiepangilinan and @jedmadelaofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results