Piolo Pascual posts photo of Taal Volcano eruption on his 43rd birthday

by Arniel C. Serato
4 days ago
Piolo Pascual's 43rd birthday celebration coincides with Taal Volcano eruption.
PHOTO/S: Courtesy: Piolo Pascual on Facebook

Kaligtasan ng nakararami ang wish ni Piolo Pascual sa kanyang ika-43 kaarawan.

Kasabay ng pag-aalburuto ng bulkang Taal ang kaarawan ng Kapamilya actor kahapon, January 12.

Sa kanyang resthouse sa Mabini, Batangas, nag-celebrate ng kaarawan ang Ultimate Heartthrob.

Sa Facebook, ibinahagi ni Piolo ang kanyang birthday wish.

Sabi nito: “My birthday wish right now is for everyone to be safe... [praying hands emoji].”

Kalakip nito ang larawan ni Piolo kung saan nakasakay siya sa isang speedboat habang nakatanaw sa usok na ibinuga ng Taal Volcano.

Continue reading below ↓

May halos 51.3 kilometers ang layo ng Mabini sa Taal, Batangas.

Samantala, itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status sa Level 4 ng pagsabog ng bulkan, na ang ibig sabihin ay sobrang mapanganib na ang paligid at pamayanang malapit sa bulkan.

Kanselado na rin ngayong araw, January 13, ang lahat ng klase sa Metro Manila at karatig probinsiya, pati na ang mga trabaho sa gobyerno.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual's 43rd birthday celebration coincides with Taal Volcano eruption.
PHOTO/S: Courtesy: Piolo Pascual on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results