Mark Bautista regrets missing audition for Aladdin role on Broadway

Jan 13, 2020
Mark Bautista gets invited to audition for the lead role in Disney's Aladdin on Broadway, but the actor-singer missed the once-in-a-lifetime opportunity: “WHY OH WHY!! Just opened this email now (January 10) Nanghina ako."
PHOTO/S: @iammarkbautista on Instagram

Labis ang panghihinayang ni Mark Bautista sa naudlot na katuparan ng matagal na niyang pinapangarap.

Ito ay matapos na huli na niyang mabasa ang email ng imbitasyon sa kanya para mag-audition para sa lead role sa Aladdin musical ng Disney sa Broadway.

January 8, 2020 itinakda ang audition, pero January 10 na nabuksan ni Mark ang email.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, January 10, ibinahagi ng 36-anyos na singer ang imbitasyong natanggap niya para sana sa naturang Broadway audition.

Nakadetalye sa email ang “appointments for a possible future replacement for the principal role of ‘Aladdin’” na itinakda nitong January 8 sa New York City.

Bakas sa caption ang labis na panghihinayang ni Mark sa pambihirang oportunidad na hindi sinasadyang napalampas niya.

#ALADDINDREAM

Caption ni Mark: “WHY OH WHY!! Just opened this email now (January 10) Nanghina ako..:( :( :( #AladdinDream (relieved face, broken heart emojis).”

Continue reading below ↓

Kung nagkataon, si Mark sana ang unang purong Pinoy na gaganap sa papel ng iconic Disney character.

Filipino-American si Adam Jacobs, ang unang gumanap na Aladdin sa Broadway, simula 2011 hanggang 2017.

Ang Australian actor na si Ainsley Melham naman ang nagbida sa Disney’s Aladdin sa Broadway noong nakaraang taon.

MARK’S FRIENDS REACT

Gaya ni Mark, labis din ang naging panghihinayang ng kanyang mga kaibigan tulad nina Golden Cañedo at Rochelle Pangilinan.

Continue reading below ↓

Ang kapwa singer na si Jona, binati pa rin ng “Congrats” si Mark dahil sa pagkaka-consider sa aktor para sa role.

Continue reading below ↓

Ang international musical theatre actresses na sina Rachelle Ann Go at Joanna Ampil, sinabihan si Mark na maaari pa niyang maipa-resched ang audition, at pinayuhan siyang mag-reply pa rin sa email.

Continue reading below ↓

Ganito rin ang payo kay Mark ng TV and radio host na si Tim Yap at ng dalawa pang kaibigan ng singer.

Continue reading below ↓

Ang isa pang nagkomento mula sa isang entertainment agency, nagsabing susubukan niyang tawagan ang assistant director sa audition na si Scott Taylor upang magbakasakali na maipa-resched ang appointment ni Mark.

Continue reading below ↓

Isang Instagram follower naman ng singer ang nagpaalala sa kanyang importanteng nagtse-check ng email “everyday.”

At press time, wala pang update kung nakapagpa-reschedule ba si Mark ng audition para sa Disney’s Aladdin sa Broadway.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Bautista gets invited to audition for the lead role in Disney's Aladdin on Broadway, but the actor-singer missed the once-in-a-lifetime opportunity: “WHY OH WHY!! Just opened this email now (January 10) Nanghina ako."
PHOTO/S: @iammarkbautista on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results