Zanjoe Marudo compares relationship with girlfriend Josie Prendergast to purity of Siargao

by Melba R. Llanera
Jan 13, 2020
Zanjoe Marudo on relationship with girlfriend Josie Prendergast: "Happy naman kami. At least, nakapagbakasyon kami ngayong holidays sa kanila sa Siargao, at sa amin sa Batangas."
PHOTO/S: Noel Orsal / @josie_prendergast on Instagram

Maligaya si Zanjoe Marudo sa 20-year-old girlfriend niyang Filipino-Australian model na si Josie Prendergast.

“Happy naman kami. At least, nakapagbakasyon kami ngayong holidays sa kanila sa Siargao, at sa amin sa Batangas,” nakangiting pahayag ng 37-anyos na Kapamilya actor.

Dagdag ni Zanjoe, “Ang haba rin noong huli kong project.

"So, noong natapos ko siya, natapos na yung Playhouse, nagkaroon ako ng time.

“Kasi, noong ginagawa ko yung Playhouse, ang dami ring kasabay na pelikula.

"So, medyo napagod ako, naubos iyung energy ko noong taon na iyun.

“Noong nagkaroon ako ng break, in-enjoy ko talaga at naghanap ako ng mga pagkakaabalahan para mag-enjoy ako.”

Balak ba niyang kumuha ng property sa Siargao?

“Oo, actually, kumbaga, ang suwerte-suwerte ko na napunta ako sa ganoong sitwasyon, nagkaroon ako ng pamilya sa ganong kagandang lugar na hindi mababayaran ng kahit ano.

“Nandoon yung peace of mind. Lahat, nandoon na.

"So, gusto ko. Plano ko rin pero siguro pag-iisipan ko kung saan.

Continue reading below ↓

“Kasi, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa… nagiging busy, 'tapos biglang ano.

"Aralin munang mabuti kung saan okey," saad ni Zanjoe.

Ano ang mauuna, bahay o negosyo?

Sagot ng aktor, “Sa business naman, maraming nag-o-offer, pinag-aaralan ko yung case study nila, kung ano ang mas okey.

“Siguro, yung maliliit lang. Yung mga... meron pa nga na apartment or something na nakikisali lang.

“Hindi naman ganoon talaga.”

Anong meron sa relasyon nila ni Josie na parang maihahalintulad sa isla ng Siargao?

“Siguro kasi, unang-una, pure… Tahimik.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe sa mediacon ng iWant digital series na My Single Lady nitong Enero 10, Biyernes, sa 9501 Restaurant, ABS-CBN Compound, Quezon City.

Co-stars dito ni Zanjoe sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zanjoe Marudo on relationship with girlfriend Josie Prendergast: "Happy naman kami. At least, nakapagbakasyon kami ngayong holidays sa kanila sa Siargao, at sa amin sa Batangas."
PHOTO/S: Noel Orsal / @josie_prendergast on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results