Willie Revillame lumapit sa Taal Volcano para makakuha ng video

by Rommel R. Llanes
4 days ago
Sakay ng kanyang helicopter, tinangka ni Willie Revillame na lumapit sa Taal Volcano para makakuha ng video ng situwasyon ng bulkan.
Video: Willie Revillame.

Sakay ng kanyang helicopter, tinangka ni Willie Revillame na lumapit sa Taal Volcano para makakuha ng video at mai-share sa publiko.

Nagsimulang mag-alburoto ang Taal Volcano nitong January 12, Linggo. Nagbuga ito ng usok at abo na umabot hanggang sa mga kalunsuran ng Kalakhang Maynila at mga kalapit na lugar.

Sa bandang huling bahagi ng video, magpapakita si Willie at inilarawan kung ano ang situwasyon ng bulkan.

"Nandito 'ko ngayon sakay sa chopper. Nandito 'ko... ayan ang Taal Volcano. Kitang-kita yung usok," sabi ni Willie habang itinuturo ang bulkan.

"Ayan, grabe! Nandito 'ko ngayon... Ang time, 4:40 [p.m.]," banggit pa ni Willie sa oras nang mga sandaling iyon.

Nasa Alert Level 3 o "relatively high unrest" ang bulkan nung bandang 4 p.m. kahapon, as declared by PHIVOLCS-DOST o Philippine Institute of Volcanology and Seismology-Department of Science and Technology, ang ahensiya ng gobyerno na nagmo-monitor at nagbibigay ng advisory kaugnay sa mga pagputok ng bulkan, lindol, tsunami, at iba pang kalamidad na gawa ng kalikasan.

Continue reading below ↓

Ligtas namang nakabalik si Willie sa helicopter hangar sa kanyang property sa Tagaytay.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results