Jodi Sta. Maria prioritizes family, career over love life

by Rey Pumaloy
Jan 14, 2020
Jodi Sta. Maria on being single: [It] doesn’t mean na kapag wala kang partner, ang daming bagay na hindi magawa. You’re still a person, you are still an individual, you still have your gifts, your talents. Hindi naman nawawala yun pag wala kang partner."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ikinasal ang ex-boyfriend ni Jodi Sta. Maria na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla kay Angelica Alita noong Disyembre 15, 2019 sa Newport Beach sa California, USA.

Nagpahiwatig si Jodi na magtatagal pa ang pagiging single niya sa buhay.

“Kasi, parang for me naman, ang pagiging kumpleto naman natin bilang tao is sa atin yun, e,” sambit ng 37-year-old Kapamilya actress.

“Iyong completeness naman natin, sarili natin yun na manggagaling kay God.

"If ever na magkakaroon ng partner, bonus na lang sila.

“Pero it doesn’t mean na kapag wala kang partner, ang daming bagay na hindi magawa.

“You’re still a person, you are still an individual, you still have your gifts, your talents. Hindi naman nawawala yun pag wala kang partner.

“Ang priority ko ngayon talaga is kung nasaan ako ngayon, I’m busy with school, with our company.

“I’m busy with work, with my career, with Thirdy, with my family.”

Continue reading below ↓

Si Thirdy ang nag-iisang anak ni Jodi mula sa kanyang dating asawa na si Pampi Lacson.

Ibinalita rin ni Jodi na ga-graduate na siya ng kursong BS Psychology sa Mayo sa Southville International School and Colleges.

“Four months to go na lang!” bulalas pa ng Kapamilya actress.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jodi sa mediacon ng iWant TV digital series na My Single Lady nitong Enero 10, Biyernes, sa 9501 Restaurant, ABS-CBN Compound, Quezon City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

JODI AS PRODUCER

Bilang producer ng My Single Lady, kung saan siya rin ang bidang babae, hindi tumawad si Jodi sa talent fee ng leading men niyang sina Zanjoe Marudo at Ian Veneracion.

Paliwanag niya, “Alam mo, negosyo kasi ito, e. Hindi mo maiiwasan na may mga producers na tatawad sa ‘yo.

"Naiintindihan ko, kasi ang daming dapat i-consider pag nagpu-produce ka.

“Pero siyempre, dahil kaibigan ko sina Ian at Z [Zanjoe], ayaw ko rin naman na isipin nila na, ‘Uy, masyado mo naman kaming pini-friendship dito!’

Continue reading below ↓

“And nanggaling din ako sa pagiging aktor na kung ano ang TF [talent fee] na meron sila ngayon, pinaghirapan nila yun.

“Ilang taon nilang pinaghirapan yun para umabot sila sa toot [amount ng talent fee] nilang ganun, di ba?

“Doon naman ako nanggagaling.”

Ipinagpapasalamat ni Jodi ang pagkakaroon niya ng team na umalalay sa kanya sa produksiyon kaya hindi siya nakaramdam ng matinding pressure sa mga gastusin.

Pagmamalaki pa niya, “I’m very thankful din sa mga taong umalalay sa akin.

"Pero yun lang, matututunan mo rin naman along the way kapag merong nangyaring problema, huwag ka nang masyadong mag-dwell diyan.

“Hanapan agad ng solusyon, paano natin maaayos yun. Kumbaga, maiiba rin ang perspective mo.”

Labing-isang araw ang principal photography ng serye. Naglambing siyang huwag nang dalirutin ang production budget.

Nabuksan ang kaisipan ni Jodi sa pre-production nang i-produce niya ang kanyang serye.

“Yung ano lang, mas mahabang time sa pre-prod para hindi rin nagmamadali.

Continue reading below ↓

“Lahat ng mga tao, nabibigyan ng time yung mga tao para hindi sila nagagahol sa oras.”

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria on being single: [It] doesn’t mean na kapag wala kang partner, ang daming bagay na hindi magawa. You’re still a person, you are still an individual, you still have your gifts, your talents. Hindi naman nawawala yun pag wala kang partner."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results