Sharon Cuneta has message for bashers of her open letter to KC Concepcion

by Rachelle Siazon
3 days ago
Sharon Cuneta to bashers acting like they know what's going on between her and daughter KC Concepcion: "Ang pakiusap ko lang, huwag nila pakialaman. Hindi nila alam anong puno't dulo, kung gaano katagal na, kung anong pinag-umpisahan."
PHOTO/S: Noel Orsal

Aminado si Sharon Cuneta, 54, na umani siya ng batikos mula sa netizens na hindi nagustuhan ang pagsasapubliko niya ng tampuhan nila ng anak na si KC Concepcion, 34.

Una na rito ang pagpaparinig ni Sharon sa hindi pagsama ni KC sa tatlo nitong half-siblings na sorpresang dumalo sa birthday tribute ng ASAP Natin 'To para sa Megastar noong January 5, 2020.

Humingi ng dispensa si KC sa pamamagitan ng maiksi ngunit malamang mensahe sa kanyang Instagram account ilang oras matapos umere ng ABS-CBN Sunday musical-variety show.

Pagkatapos nito ay inilabas ni Sharon sa Instagram ang kanyang open letter kay KC.

Dito ay sinabi ng Megastar na "unforgivable" at "unacceptable" na hindi man lang nagsabi si KC kung bakit wala ito sa mga mahahalagang okasyon sa kanilang pamilya.

Sa kanyang solo presscon noong January 9, inihayag ni Sharon na hindi niya maintindihan kung bakit samu't saring tirada ang natanggap niya mula sa netizens dahil sa isyu nila ni KC.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Sharon: "Social media is not really the right platform to express your personal feelings when you're a public figure.

"But I was forced to because the greeting that my daughter made—with explanations for her absence on my birthday—was posted on social media.

"Like I wrote in my posts, I didn't get naman a personal message.

"It's not like her. So, parang nag-aalala ako.

"I think it's normal lang sa mag-ina na may panahon na ganyan.

"I'm worried lang because I don't know what she's going through."

Naniniwala raw si Sharon na kusang gagawa ng paraan si KC na makausap siya nang masinsinan.

Diin niya, "It all boils down to a mother missing her daughter. That's all.

"Pero talaga, yung mga bashers, hindi maiwasan yun. That's part of the whole package."

ON BASHERS' NASTY COMMENTS

Kung anu-ano raw kasing paninira ang ibinato sa kanya.

Dugtong ni Sharon: "Meron lang talagang sobrang sakit at bastos magsalita, na you have to try to wonder, not claim to know, but wonder why.

Continue reading below ↓

"Minsan fans ng iba, or siguro mga diehard ni KC, na hindi naiintindihan ang dynamics ng pamilya.

"Or meron lang siguro na hindi lumaking katulad niyo. Or iba pinagdaanan nung lumalaki, hindi katulad ng mga anak ko na loved lahat.

"So, iniintindi ko na lang."

Kung anuman daw ang tampuhan nilang mag-ina ay hindi lubusang maiintindihan ng netizens.

"Ang pakiusap ko lang, huwag nila pakialaman.

"Hindi nila alam anong puno't dulo, kung gaano katagal na, kung anong pinag-umpisahan.

"Kasi minsan, pati ako, hindi ko alam, 'tapos sila alam nila. Yung ganun ba?

"Sana, the world would be a much better place if everybody wished each other well.

"Sa dami ng nangyayari sa mundo ngayon, pati ba naman yun poproblemahin?

"Sana, instead of mga patutsada, dasal na lang. Hindi kasi sila nakakatulong, e."

ON AVOIDING SOCIAL MEDIA WAR

Hindi tuwirang nabanggit ni Sharon kung ano ang masasakit na salitang natanggap nito mula sa bashers.

Continue reading below ↓

Pero napigilan daw niya ang sariling huwag nang patulan ang mga ito.

"I have learned to manage my emotions well when it comes to them.

"Halos dumating sa point na wala kang emosyon, kailangan mo lang pagsabihan.

"I learned from my early years on Twitter, kasi I couldn't stand na parang walang respeto. Hindi ako lumaking ganun, e."

Taong 2012 nang maging laman ng balita ang pakikipagsagutan ni Sharon sa netizens sa Twitter bunsod ng hiwalayan ng anak niyang si KC at boyfriend nito noong si Piolo Pascual.

Pero noong February 2018, inamin ni Sharon na pinagsisihan nitong umabot sa social media ang pagnanais niyang maipagtanggol si KC laban sa bashers.

Patuloy ni Sharon: "'Tapos yung generation natin, kapag may confrontation, confrontation. 'Mag-usap tayo para maayos.' Or, 'Ano ba? Sinabi mo ba ito?'

"Ngayon, they're matapang, kasi they're anonymous. So, hindi ako sanay nun, nung Twitter.

"Para akong nanay na pinapalo ang mga anak. 'Ba't kayo ganyan?!'

Continue reading below ↓

"After a while, I figured, 'Oh my god! I don't know these people. Why am I entertaining the idea of responding?'

"So I just stopped altogether. And then, later on, pag meron, bina-block ko na lang."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta to bashers acting like they know what's going on between her and daughter KC Concepcion: "Ang pakiusap ko lang, huwag nila pakialaman. Hindi nila alam anong puno't dulo, kung gaano katagal na, kung anong pinag-umpisahan."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results