Luis Manzano cries foul over business-opportunist accusation amid Taal eruption

by Bernie V. Franco
3 days ago
Luis Manzano hits netizens who accused him of taking advantage of the Taal Volcano eruption for his online business: "Ibabato pa ako sa bunganga ng bulkan, may sumbong pa sa DTI, mapasamantala pa ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi pinalampas ni Luis Manzano, 38, ang akusasyon ng ilang netizens na sinasamantala niya ang pagputok ng bulkang Taal para kumita ng pera.

Dahil sa pagputok ng Taal Volcano noong Linggo, January 12, nagkaroon ng malaking demand para sa face masks, partikular ang N95 na inirerekomenda bilang epektibong proteksiyon laban sa ashfall.

Apektado ang maraming lugar sa Batangas, Cavite, Rizal, Quezon, Laguna, at pati na rin sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Noong Linggo rin ay nag-tweet ang ABS-CBN host na si Bianca Gonzalez, at nagtatanong kung saan pa puwedeng bumili ng masks dahil nagkakaubusan na sa mga pamilihan.

Sumagot si Luis kay Bianca para ipaalam na may supply ng masks ang kanyang online business.

Continue reading below ↓

Dalawang klase ang available face masks na makikita sa website ng online business ni Luis: ang Cambridge Mask N95 na may suggested retail price (SRP) na P690 at ang Cambridge Pro Mask N99 na P1450 (SRP).

Ang mga naturang masks ay reusable, at hindi ordinaryong disposable na may SRP na P70.

Sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang presyo ng masks sa online business ni Luis ay kapareho ng mga presyo ng masks na ibinebenta sa dalawang popular online shops sa Pilipinas, gayundin sa international market.

LUIS SLAMS NETIZENS ACCUSING HIM OF BEING AN OPPORTUNIST

Sa kabila nito, may ilang netizens na nag-react at nagreklamong masyado raw mahal ang masks na ibinebenta ng TV host-actor.

Inakusahan pa siyang nagsasamantala sa panahon ng kalamidad.

Banat pa ng iba, anak pa naman siya ni Congresswoman Vilma Santos, na nanunungkulan sa isa sa mga apektadong lugar—ang Lipa, Batangas.

Tumaon pa ito sa usapin sa Twitter tungkol sa overpricing ng masks ng ilang business establishments.

Continue reading below ↓

Narito ang ilang tweets na kumakastigo kay Luis:

Continue reading below ↓

Pero hindi nagpatinag si Luis.

Ipinaliwanag niya na ang masks sa kanyang negosyo ay hindi nagmahal ng presyo at kapareho lang ito ng presyo sa international market.

Tweet niya: “These were our suppliers prices 15 weeks ago, so did we hoard ba? Nope!

"Nagtaas ba ng presyo? Nope! [smile emoji]

"did we take advantage of the situation? Nope!”

Continue reading below ↓

Banat ng isang female netizen kay Luis (published as is): “ang Lala nun 600 plus binibenta ng store ni luis yung N95 OMG [shock emoji] taga Batangas pa nanay nyan ah haaissss”

Buwelta ni Luis (published as is): “Ate, 15 weeks ago yun na presyo ng n95 or n99 CAMBRIDGE MASKS, yan presyo talaga globally… tinaasan ba namin dahil sa pagsabog ng bulkan? Namantala kami? Sinabihan ba namin o may inalay ba kami sa bulkan na pumutok para mabenta? Mas marami na po ata kayong abo kesa utak po.”

Continue reading below ↓

May ilang netizens na dumepensa kay Luis, at ipinunto na patas ang face-mask products na negosyo ng aktor.

Continue reading below ↓

Humingi naman ng paumanhin ang isang netizen na bumatikos kay Luis, at binura ang tweet nito laban sa aktor.

Sa kabila ng pagso-sorry ng netizen, hindi nagpigil si Luis na isa-isahin ang mga natanggap niyang pamba-bash bunsod ng maling paratang ng netizen.

Sagot ni Luis sa netizen na nag-sorry (published as is): “Thank you [smile emoji] hiyang hiya nga ako sa reaction ng followers mo, ibabato pa ako sa bunganga ng bulkan, may sumbong pa sa DTI, mapasamantala pa ako. [laughing emojis] i appreciate the RT and apology [smile emoji]”

Continue reading below ↓

Halos ganito rin ang sagot ni Luis sa isa pang netizen na tinawag siyang “makapal ang mukha.”

Mungkahi pa ni Luis: “Ulitin ko lang kase research is key and namura pa kami…”

Continue reading below ↓

Binanatan din ni Luis ang isang netizen na ipinilit na nag-“take advantage” ang TV host-actor dahil nagawa pa nitong magbenta at mang-away ng netizens sa halip na tumulong, lalo pa’t kababayan niya ang mga apektado.

Hirit ni Luis, hindi lahat ng ginagawang pagtulong ay ipinangangalandakan sa social media.

Tweet ni Luis (published as is): “Ineng, hindi lahat ng tulong kelangan makita, kung gusto mo ipakita - very good, kung ayaw mo ipakita - very good rin. Ang kaya lang kase ng utak mo social media, di mo gets na may buhay sa likod ng lahat to, 2020 na kami, nasa 19tanga ka pa”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano hits netizens who accused him of taking advantage of the Taal Volcano eruption for his online business: "Ibabato pa ako sa bunganga ng bulkan, may sumbong pa sa DTI, mapasamantala pa ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results