Is it over between actor Gil Cuerva and beauty blogger Kim Cruz?

by Jet Hitosis
3 days ago
Beauty blogger Kim Cruz and model-actor Gil Cuerva have been together for more than three years.
PHOTO/S: @kimcrooz, @gilcuerva on Instagram

Hiwalay na ba ang aktor na si Gil Cuerva at ang beauty blogger na si Kim Cruz?

Ito ang tanong ng Instagram followers ni Kim matapos siyang mag-post ng “I don’t need a boyfriend” meme sa kanyang Story nitong Lunes, January 13.

Mahigit tatlong taon nang karelasyon ni Kim, 21, ang 24-anyos na Kapuso actor-model.

Saad sa text ng meme: “Oh, my life is so bountiful I don’t need a boyfriend to feel fulfilled.”

Continue reading below ↓

Sa pagsilip sa Instagram feed ni Kim, walang makikita roon na kahit isang picture ni Gil.

Wala rin namang litrato si Kim sa feed ni Gil.

Pero ito ay kahit pa dati nang sinabi ni Gil sa isang interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi talaga sila nagpo-post ng couple photos sa kani-kanilang Instagram accounts.

Sa interview kay Gil noong September ng nakalipas na taon, sinabi niyang desisyon nila ni Kim na panatilihing “low-key” ang kanilang relasyon.

“What happens with us is private, it's a personal thing,” sinabi noon ni Gil sa interview.

Dagdag niya, “You also have to be very careful with the information that you share being public figures.

“So I'm lucky to have someone like that na very understanding, and even if I really don't talk about her...”

First relationship nina Kim at Gil sa isa’t isa.

Napapanood si Gil sa Kapuso teleseryeng Beautiful Justice at isa siya sa hosts ng Taste Buddies, ang lifestyle informative show ng GMA News TV.

Continue reading below ↓

Si Kim ay dating VJ (video jockey) ng MYX, ang music channel ng ABS-CBN.

Hiningan ng komento ng PEP.ph sina Gil at Kim tungkol sa estado ngayon ng kanilang relasyon, pero wala pa silang sagot hanggang sa mailathala ang report na ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty blogger Kim Cruz and model-actor Gil Cuerva have been together for more than three years.
PHOTO/S: @kimcrooz, @gilcuerva on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results