Enrique Gil showers girlfriend Liza Soberano with gifts for her birthday

by Melba R. Llanera
Jan 14, 2020
Enrique Gil on his gifts for Liza Soberano for her birthday: “I just want to give a little bit more na hindi masyadong ginagawa. Feeling ko, she deserves a lot."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nakakaantig at nakakakilig ang Instagram post ni Enrique Gil para kay Liza Soberano sa kaarawan nito noong Enero 4, Sabado.

Ayon sa Kapamilya actor, nakita kasi niya ang kabutihan ni Liza, lalo na sa pamilya nito.

“Hindi ko alam, na-feel ko lang. I feel, like, kasi ang dami niyang ibinibigay sa family niya,” sabi ni Enrique nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP Natin ‘To noong Enero 12, Linggo.

“Yung isang kapatid niya sa States, kinuha niya ngayon, nasa Manila na. So, parang may anak na rin kami, kami ang nag-aalaga.

“Alam mo yung, parang, kung ano yung tulong na kailangan ng kapamilya, ibinibigay niya.

"Nakatira sa amin sa bahay, kami ang nag-aalaga.

“I just want to give a little bit more na hindi masyadong ginagawa. Feeling ko, she deserves a lot."

Continue reading below ↓

Part ng birthday gift ni Enrique ang pagbabayad sa U.S. trip nila ng kasintahan nitong nakaraang Christmas vacation.

“Ang dami kasi naming napuntahan, from here to California to Visalia.

"Then, Visalia sa lolo at lola niya sa dad's side, 'tapos nag-Reno pa kami sa mom's side naman niya, papuntang Hawaii pa.

“Ako yung nagbayad ng trip namin para makapunta dun.' Tapos, may isa pa akong gift na ibinigay nung birthday pa niya mismo.

“Then, nag-cruise kami sa Hawaii nung birthday niya. Birthday gift ko rin yun sa kanya."

Kumusta ang pagdalaw nila sa pamilya ni Liza? Paano siya tinanggap ng pamilya ng aktres?

“Solid, pero nagkasakit ako pagdating namin ng California, 'tapos hanggang Hawaii.

"Gumaling lang ako last day bago dumating dito. Pero okay naman, nag-enjoy kami kasama yung pamilya ni Hopie, 'tapos, yung family ko.

“Okay na pagdating namin dun, naka-ready na yung mga paborito kong pagkain. Alam nila, nag-prepare talaga sila.

Continue reading below ↓

“Ang daming pictures sa bahay. Pati pictures ko, nandun.

"Sabi ni Hopie, ‘Kaninong bahay ba ito? Sa akin o kay Enrique?’ Okay naman sila.”

NEW LIZQUEN TELESERYE

Nag-umpisa nang umere ang teleserye nina Enrique and Liza na Make It With You nitong Enero 13, Lunes ng gabi, sa ABS-CBN.

“Siyempre, nervous, but of course, excited na," simula ni Enrique.

"Kasi, parang two years na yung Bagani, so heto na naman, babalik na naman kami, sasabak na.

"I'm just being nervous, sana maging okay ang lahat.

“Balik rom-com kami, itong genre na ito. Kasi, yung Bagani, action.

“Iba, iba talaga. Mage-gets talaga ng tao kung ano ang role ko kapag lumabas na.

"I think, sa second week, mage-gets na nila yung character ko.

“Preparations? Wala namang preparations, parang internalizing lang sa character.

"Tulong nina direk Cathy [Garcia Molina] and direk Richard [Arellano] para ipaalala na, 'Ito yung character mo, huwag mong kakalimutan na may something.' Basta.

Continue reading below ↓

“Yung hair? Kailangan, new look lang siguro."

May naka-line up ding movie para sa LizQuen this year, pero sa pagkakaalam ni Enrique ay wala pang na-finalize na script.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enrique Gil on his gifts for Liza Soberano for her birthday: “I just want to give a little bit more na hindi masyadong ginagawa. Feeling ko, she deserves a lot."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results