Marco Gumabao urges fans to "spread love… read the Bible" amid disasters

by Jet Hitosis
3 days ago
On Monday, January 13, actor-model Marco Gumabao posts an appeal to his one-million Instagram followers: “Whether you like it or not, whether you’re ready or not, HE IS COMING. No one knows when. Tomorrow, next week, or maybe 5 years from now, nobody knows... that’s why we all have to be ready!"
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram

Umapela si Marco Gumabao sa kanyang fans na “spread love and not hate” at paigtingin ang ugnayan sa Diyos “before it’s too late," sa gitna ng iba't ibang trahedya na nagaganap ngayon sa mundo.

Sa kanyang post sa Instagram nitong Lunes, January 13, ibinahagi ni Marco ang ilang Bible verses tungkol sa Second Coming of Christ.

Kabilang sa mga ito ang Matthew 24:7: “Nations will rise against nation, and kingdom against kingdom. There will be famines and earthquakes in various places.”

Ang I Thesalonians 4:16: “For the Lord himself will come down from heaven, with a loud command, with the voice of the archangel, and with the trumpet call of God, and the dead in Christ will rise first.”

Ang Revelations 22:20: “He who testifies to these things says, ‘Yes, I am coming soon.’ Amen. Come, Lord Jesus.”

Ang Matthew 24:42: “Therefore keep watch, because you do not know on what day your Lord will come.”

Continue reading below ↓

Ang Revelations 1:7: “’Lord, he is coming with the clouds,’ and ‘every eye will see him, even those who pierced him’; and all peoples of earth ‘will mourn because of him.’ So shall it be! Amen.”

Ang Matthew 24:44: “So you also must be ready because the Son of Man will come at an hour when you do not expect him.”

At ang I Timothy 3:1: “But mark this: There will be terrible times in the last days.”

DISASTERS AS SIGNS OF SECOND COMING?

Sa kanyang mahabang caption, tinukoy ng 25-anyos na actor-model na ang muntik nang sumiklab na digmaan sa Middle East, ang wildfires sa iba’t ibang bansa, at ang pagsabog ng mga bulkan ay “all the signs” na “HE IS COMING.”

Caption ni Marco (published as is):

“With everything happening around the world right now, I just can’t help but post this... all the signs are here: War, earthquakes, national disasters, rise of the anti christ etc..

Continue reading below ↓

“Whether you like it or not, whether you’re ready or not, HE IS COMING.

“No one knows when. Tomorrow, next week, or maybe 5 years from now, nobody knows... that’s why we all have to be ready!”

Umapela si Marco ng pagpapatawad, at ang piliin ang pagmamahal kaysa galit sa kapwa.

Post pa niya: “spread love and not hate!

“Forgive the people who have wronged you, even though you don’t feel like they’ve earned your forgiveness.

“Love your family, your friends and your enemies, just as how Jesus loved the sinners.

“Stop the hate! Stop cyber bullying! Stop giving in to worldly temptations!”

“DEDICATE YOUR LIFE TO HIM BEFORE IT’S TOO LATE”

Higit sa lahat, ayon kay Marco, ugaliin ang pagbabasa ng Bibliya upang mapaigting ang ugnayan sa Diyos.

“Most importantly, READ THE BIBLE! 3 chapters a day won’t hurt.

“Dedicate your life to Him before it’s too late.

“Strengthen your relationship with Him!”

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy ng post, sinabi ni Marco na alam niyang hindi pare-pareho ang magiging reaksiyon ng publiko sa kanyang post, pero kailangan niyang gawin ito “to use my platform to make Him popular.”

Saad pa sa post ni Marco: “I know God put me in showbiz, not to be the most popular celebrity, but to use my platform to make Him popular.”

Ipinagmalaki rin ng aktor ang kanyang relasyon sa Diyos.

“I know I’m not the holiest person alive, but I am proud to say that I have a relationship with God.

“And it is the BEST feeling ever.”

DONATIONS OVER PRAYERS?

Sa huling bahagi ng kanyang post, nag-alay ng dasal si Marco para sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas, ng malawakang bushfires sa Australia at South Korea, at ng tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Isinulat ni Marco: “Prayers up to the people affected in the Taal eruption, Australia and South Korea fires, Iran & US conflict. (praying hands emoji) God Bless everyone!”

Continue reading below ↓

Gayunman, isang netizen ang nagkomento na kung totoong may malasakit si Marco, dapat ay mag-donate ang aktor sa mga apektado ng pagsabog ng Taal Volcano.

Sinabihan ng netizen ang aktor na “USE YOUR SHOWBIZ PLATFORM” para matulungan ang mga sinalanta ng pagsabog ng bulkan dahil “God needs action- not empty words.”

Continue reading below ↓

Sagot ni Marco, kung sa palagay ng netizen ay sa pagdo-donate lang napatutunayan ang pagmamalasakit sa kapwa, “hindi po pera ang sagot sa lahat.”

TAAL VOLCANO’S UNREST

Marami nang celebrities at pribadong grupo ang nagtutulung-tulong sa pagkalap ng ayuda para sa mga apektado ng pagsabog ng Taal.

Continue reading below ↓

Batay sa huling assessment ni Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator for Operations Casiano Monilla, aabot na sa 6,891 pamilya o 30,423 katao mula sa Batangas at Cavite ang nailikas mula sa mga bayang nakapaligid sa bulkan.

Nakatuloy ang mga ito sa 118 evacuation centers, ayon sa huling taya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sumabog ang bulkan nitong Linggo ng hapon, January 12, at pagsapit ng gabi ay itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa level 4 ang alerto sa bulkan.

Nasa state of calamity na ang buong lalawigan ng Batangas.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Monday, January 13, actor-model Marco Gumabao posts an appeal to his one-million Instagram followers: “Whether you like it or not, whether you’re ready or not, HE IS COMING. No one knows when. Tomorrow, next week, or maybe 5 years from now, nobody knows... that’s why we all have to be ready!"
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results