Melai Cantiveros, Jason Francisco pack relief goods for Taal evacuees

by Arniel C. Serato
Jan 14, 2020
Melai Cantiveros and husband Jason Francisco take time off from their busy schedule to repack relief goods to be distributed to Taal evacuess in Batangas.
PHOTO/S: Courtesy: Inday Rica Castano on Facebook

Ibinahagi ng isang netizen ang ginawang pagtulong ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal noong Linggo, January 12.

Sa pamamagitan ng Facebook ngayong araw, January 14, sinabi ni Inday Rica Castaño na halos patapos na sila ng pagre-repack ng relief goods para sa mga evacuees.

Kasama raw nila ang "Buong MELASON FAMILY."

"MelaSon" ang bansag sa tambalan nina Melai at Jason na nabuo nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2010.

May dalawang anak sina Melai at Jason.

Pahayag ng netizen sa una niyang post (published as is): “Simulan na namin ang packing ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng Bulkan Taal!

“Kunting tulong para sa mga taong nangangailangan ng pagkaen, tubig , kape, bigas, de lata, noddles!

“Sa ganitong paraan lng namin maipapadama ang malasakit namin sa kanila sa kunteng paraan!

“Kasama namin ang Buong MELASON FAMILY na always anjan walang dalawang isip kung tumulong!

Continue reading below ↓

“Together with our baby cuties Mela and Stela! Tulong din daw sila! Ang cute ng mga bata. Thank you Lord!”

Sa pangalawang post, sinabi ng netizen na ready for delivery na ang kanilang mga na-repack na relief goods.

“Second batch. Patapos na ng packing!

“Ready na for delivery! Thank you so much Lord sana maraming matulungan neto.

Continue reading below ↓

"Thank you so much MELASON family sa pag gathered sa aming lahat para magtulungan para pag pack ng mga relief goods at eto na natapos na!

"Lets do this! TAAL, BATANGAS HERE WE COME.”

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Inday Rica o Rica sa Facebook messenger, sinabi nitong sa mga lugar na hindi naabot ng relief goods sa Batangas ipamimigay ang mga na-repack nilang relief goods bukas, January 15.

Continue reading below ↓

Kasama raw nila si Jason na magdi-distribute ng relief goods sa evacuees.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melai Cantiveros and husband Jason Francisco take time off from their busy schedule to repack relief goods to be distributed to Taal evacuess in Batangas.
PHOTO/S: Courtesy: Inday Rica Castano on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results