Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Liza Soberano recalls how she fought for Enrique Gil

by Bernie V. Franco
Jan 14, 2020
Liza Soberano on relationship with Enrique Gil: “Seventeen lang ako nung naging kami, so ipinaglaban ko yung relationship namin. Kasi, bawal nga akong mag-boyfriend noon, pero matigas yung ulo ko!”
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagkuwento si Liza Soberano, 22, kung paano niya ipinaglaban sa kanyang ama ang pagmamahal niya para kay Enrique Gil, 27.

“Seventeen lang ako nung naging kami, so ipinaglaban ko yung relationship namin.

“Kasi, bawal nga akong mag-boyfriend noon, pero matigas yung ulo ko!” natatawang pagbabahagi ng Kapamilya actress.

First boyfriend ni Liza si Enrique.

Pagpapatuloy niya, “Sabi ko sa daddy ko, ‘Masaya ako. Kung gusto mo akong maging masaya, papayagan mo ako.’”

Tila hindi rin naging madali para kay Enrique na kumbinsihin ang ama ni Liza.

“Ay naku, grabe rin!” bulalas ng binata.

Singit ni Liza, “Hindi siya tumigil.”

Dugtong ni Enrique, “Pero siyempre, ipinakita ko rin yung sarili ko.

“I just presented myself na ito ako.

“Basta, I just presented myself… I’m not contending anything and I think, slowly enough, they saw it.”

Ani Enrique, ipinaglaban nila sa ama ni Liza na mabigyan sila ng pagkakataong patunayan ang kanilang pagmamahalan.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sina Liza at Enrique sa press conference ng bagong primetime teleserye nila, ang Make It With You, sa Dolphy Theatre, ABS-CBN Compound, Quezon City, noong January 9, Huwebes.

WHAT LIZA SAW IN ENRIQUE

Sa simula ay hindi pa naman daw ganoon katindi ang tama ni Liza kay Enrique, pero may nakita raw siya sa aktor kaya’t ipinaglaban niya ang pagmamahalan nila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Saad ng Kapamilya actress, “I wouldn’t say ganoon po katindi yung love, of course, bago pa lang yung relationship.

“But, I guess, I saw something in him na parang I felt sincere.

“Parang, when you get into a relationship, you don’t get into a relationship for the sake of having a girlfriend, boyfriend.

“Of course, ipinaglaban ko because it’s true, I was happy being around him.

“He made me feel comfortable, he made me feel happy.

“So, I think, it was only right na ipaglaban ko.”

Continue reading below ↓

Masaya namang hirit ni Enrique, “And true enough, after then, hanggang ngayon, we’re still here.”

HOPING TO SETTLE DOWN IN THE FUTURE

Matibay rin ang paniniwala ng dalawa na panghabambuhay na ang kanilang relasyon.

Ayon kay Enrique, “Yes po. I really believe so... 100 percent in my heart.”

Sabi naman ni Liza, “I’m happy 'coz he makes me feel secure and he’s always assuring me.

“And, I think, yun naman ang hinahanap ng kahit sinong babae in a relationship.”

Hindi naman nila masabi kung kailan sila magpapakasal.

Mararamdaman naman daw nila kung kailan ang tamang oras.

Pero kung mag-propose si Enrique anumang oras ay tatanggapin ito ni Liza.

“No doubt, I will always say 'yes,'” ani Liza.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Soberano on relationship with Enrique Gil: “Seventeen lang ako nung naging kami, so ipinaglaban ko yung relationship namin. Kasi, bawal nga akong mag-boyfriend noon, pero matigas yung ulo ko!”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results