Matteo Guidicelli leads Army relief operations for Batangas evacuees

by Jet Hitosis
Jan 14, 2020
Actor and Philippine Army 2nd Lt. Matteo Guidicelli leads his fellow soldiers in relief operations for more than 200 families at an evacuation center in Barangay Poblacion 3, Sto. Tomas City, Batangas, on Tuesday, January 14.
PHOTO/S: Lhen Pagaduan Delos Reyes on Facebook, @matteog on Instagram

Namahagi ng relief goods si Matteo Guidicelli sa Sto. Tomas City, Batangas, kasama ang mga kapwa niya sundalo ng Philippine Army ngayong Martes, January 14.

Ipinost ni Matteo sa Instagram ngayong araw ang pagpunta ng kanyang Army team sa evacuation center sa Barangay Poblacion 3 sa Sto. Tomas.

Kabilang ang lungsod sa mga lugar sa Batangas na kasalukuyang kumukupkop sa mga nagsilikas mula sa mga bayan ng Talisay at Agoncillo, kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal nitong Linggo, January 12.

Sa dalawang litratong ibinahagi ng 29-anyos na aktor, makikitang military truck ang gamit ng tropa ni Matteo sa paghahatid ng mga pagkain, inumin, at damit sa mahigit 200 pamilyang evacuees.

Sa caption, nagpasalamat si Matteo sa online grocery platform na katuwang ng Army sa pangangalap ng donasyon at iba pang tulong para sa mga apektado ng pagsabog ng bulkan.

Nanawagan na rin ang aktor ng karagdagang donasyon para sa evacuees.

Continue reading below ↓

Post ni Matteo: “Thank you very much @landersph team for the generous donation of relief goods to the Philippine Army for victims of the eruption.

“Landers is accepting donations, follow @landersph for more information!!”

Sa comments section, marami ang nagpaabot ng pasasalamat at paghanga sa aktor at sa Philippine Army sa ipinamahaging tulong sa evacuees.

Continue reading below ↓

May mga nagkomento na nanghihingi ng tulong para sa evacuees sa mga bayan ng Balayan at San Jose.

Continue reading below ↓

Mayroon ding netizens na humihiling ng rescue para sa mga inabandonang hayop, gaya ng mga kabayo.

Continue reading below ↓

Ang singer-comedian na si Eric Nicolas, ipinost sa kanyang Facebook account ang litrato nila ni Matteo matapos niya raw maabutan ang military truck ng grupo nito habang nagkakarga ng relief goods.

Ayon kay Eric, namataan niya ang dalawang military trucks sa parking area ng Landers habang naghahakot ng grocery items na ipapamahagi sa mga lumikas sa Batangas.

Biro pa ni Eric sa caption, nagpa-picture siya sa isa sa mga sundalo, na "PARANG PAMILYAR" sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa Facebook, ang litrato ni Matteo na nakasuot ng surgical mask ang ipinost ni Lhen Pagaduan delos Reyes, Administrative Aide I ng pamahalaang lungsod ng Sto. Tomas.

May mahigit 1,000 likes at mahigit 1,000 shares na ang naturang litrato ni Matteo, na inulan ng komento ng pasasalamat mula sa mga Batangueño.

Continue reading below ↓

Aabot na sa halos 7,000 pamilya o mahigit 30,000 indibiduwal mula sa Batangas at Cavite ang nailikas na, ayon sa latest update ng Office of Civil Defense (OCD) ngayong Martes.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor and Philippine Army 2nd Lt. Matteo Guidicelli leads his fellow soldiers in relief operations for more than 200 families at an evacuation center in Barangay Poblacion 3, Sto. Tomas City, Batangas, on Tuesday, January 14.
PHOTO/S: Lhen Pagaduan Delos Reyes on Facebook, @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results