Is Edgar Allan Guzman ready to propose to longtime girlfriend Shaira Diaz?

by Melba R. Llanera
Jan 15, 2020
Edgar Allan Guzman on relationship with girlfriend Shaira Diaz: “Puwede ko na siyang ipagmalaki nang tuluyan. Ngayon, may freedom kami, may basbas na...”
PHOTO/S: Noel Orsal / EA Guzman Instagram

Mas masaya si Edgar Allan Guzman sa relasyon nila ni Shaira Diaz ngayong wala na silang pinangingilagan.

“Ganoon pa rin, steady. Mas okay lang ngayon, mas happy.

"Alam na rin kasi ng tao, may freedom na kami to post about us, about ourselves,” sambit ng Kapuso actor.

“Puwede ko na siyang ipagmalaki nang tuluyan.

"Ngayon, may freedom kami, may basbas na puwede kaming mag-post together.

“Mas may freedom lang kami, mas nakakagalaw kami nang maayos ngayon."

Sa tagal at lalim ng pinagsamahan nila ni Shaira, may balak na kaya si EA na mag-propose sa girlfriend?

“Magse-seven years na kami next month,” napangiting pakli ni EA.

“Engagement? A wala pa, nagtatanong nga sa akin si Tita Yayo [Aguila], about kay Rodjun [Cruz] nga na nagpakasal. E, close friend namin si Rodjun.

“Ako, wala pa. Para sa akin, gusto ko muna ng bahay para sa pamilya ko. Yun muna bago ako magpakasal.

Continue reading below ↓

“Ako, gusto ko, siya na.

"Pero ang hirap kasing sabihin na siya na talaga, siya na talaga.

"Gusto ko lang si Lord na ang magsasabi, si Lord ang magsasabi sa akin na, ‘OK na, mag-propose ka na.’

“Hihintayin ko lang yung kay Lord. Pero as of now, wala pa rin."

Nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si EA sa special screening ng pelikulang Mia noong Enero 9, Huwebes, sa Fisher Mall, Quezon Avenue, Quezon City.

Katambal ni EA sa romcom na Mia si Coleen Garcia, at co-star nila rito si Yayo Aguila.

DISTANT CO-STAR

Kuwento ni EA, nakatulong nang malaki ang pagiging distant ni Coleen para magampanan niya ang role bilang forester na si Jay.

Pahayag ng aktor, “Excited ako kasi first teamup namin ni Coleen sa pelikula.

"Hindi namin alam ang magiging reception ng tao kung magiging okay ba, pero excited kami.

“Ang alam namin, naging okay kami, maganda yung feedbacks ng mga netizens sa FB sa trailer namin.

Continue reading below ↓

“Si Coleen, okay siya na katrabaho. Noong time na sinu-shoot namin ito, medyo seryoso siya sa character niya.

“From Manila to Palawan, bihira kaming magkasama, magkadikit.

"Nakuha ko at na-realize ko na, ‘A, talagang nagko-concentrate siya sa role niya.'

"Si Mia kasi rito, aloof kay Jay. Ako si Jay, na dikit nang dikit kay Mia, siya yung may gusto.

“Feeling ko, ganun yung ginagawa ni Coleen.

"Nakatulong din kasi sa akin. Kasi, parang ako yung nagwa-wonder na, ‘Bakit kaya?’

“Ako yung nag-iisip kung ano yung move na gagawin ko para magkaroon ng conversation with Coleen.

"Ganun din si Jay, so sakto."

Unang Filipino movie na mag-o-open sa mga sinehan ngayong 2020 itong Mia, umpisa ngayong Enero 15, Miyerkules.

Idinirek ito ni Veronica Velasco at iprinodyus ni Chris Cahilig.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edgar Allan Guzman on relationship with girlfriend Shaira Diaz: “Puwede ko na siyang ipagmalaki nang tuluyan. Ngayon, may freedom kami, may basbas na...”
PHOTO/S: Noel Orsal / EA Guzman Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results