Senator Tito Sotto draws flak over cloud seeding proposal; calls bashers "ASUNGOT"

by Rachelle Siazon
Jan 15, 2020
Senator Tito Sotto on critics of his proposed cloud seeding on ashfall-stricken areas amid Taal eruption: "ASUNGOT- defined as Good For Nothing Fault Finders."
PHOTO/S: @helenstito Instagram / @sotto_tito Twitter

Umani ng batikos si Senator Vicente "Tito" Sotto III dahil sa panukala niya sa Philippine Air Force na magsagawa ng cloud seeding sa mga apektadong lugar ng pagputok ng Taal Volcano noong Linggo, January 12.

Ayon sa senador, tubig-ulan ang nakikita niyang solusyon sa pinsalang likha ng ashfall na umabot mula sa bayan ng Taal sa Batangas hanggang mga karatig-probinsiya at ilang lugar sa Metro Manila.

Tweet ni Senator Sotto noong Lunes, January 13: "Now is the time for cloud seeding in the Taal Volcano affected areas!"

Ang cloud seeding ay ang paglalagay ng crystals sa mga ulap upang lumikha ng ulan.


Continue reading below ↓

Kaugnay ito ng pag-aalala ng mga residenteng apektado ng ashfall sa posibleng masamang epekto ng long-term exposure rito.

Lalo pa't hindi madaling linisin ang mga bahay, kalsada, iba pang infrastructure, at pati na mga punong nabalot ng abong galing sa Taal eruption.

Sa panayam ng Senate reporters kay Senator Sotto, kinumpirma niyang suportado ng Philippine Air Force ang kanyang "idea."

Sinasabing sisiguruhin muna ng Air Force na hindi makakaapekto sa engine ng eroplano ang lumipad sa Taal at karatig-lugar bago ipatupad ang cloud seeding.

"I'm proposing cloud seeding action in the Taal Volcano affected areas and not wait for the rain," saad ni Senator Sotto sa panayam ng ABS-CBN News noong January 13.

Dagdag niya, "Water solves the ashfall debris."

Pero kinontra ng ilang eksperto ang proposal ni Senator Sotto.

Dapat daw munang pag-aralan ang sitwasyon bago isagawa ang cloud seeding dahil sa "banta ng flood at lahar" na maaaring idulot ng pag-wash down sa abo.

Continue reading below ↓

Base ito sa paliwanag ni Renato Solidum, director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

NETIZENS REACTIONS

Sunud-sunod naman ang pambabatikos ng netizens na nag-reply sa tweet ni Senator Sotto.

Ilan sa mga ito ay binanggit ang nangyaring pagbaha ng lahar sanhi ng cloud seeding nang pumutok ang bulkang Pinatubo noong 1991.

Dagdag pa raw rito ang acid rain na epekto kapag nahalo ang tubig-ulan sa ashfall.

Continue reading below ↓

MEMES VS. SENATOR SOTTO

Ang iba namang netizens ay nag-post ng memes dahil sa umano'y katawa-tawang mungkahi ng senador.

"Acheche!" saad sa written text ng isang meme.

Ang expression na "Acheche!" ay pinasikat ni Aiza Seguerra noong child star pa ito, at napapanood kasama ang triumvirate nina Tito, Vic Sotto, at Joey de Leon sa Eat Bulaga! at ilang comedy films.

Continue reading below ↓

May ilan pang gumamit ng litrato ng artista para gawing meme laban kay Senator Sotto.

Continue reading below ↓

May ibang nambatikos kay Senator Sotto na nagbitiw ng mga hindi magagandang salita.

SENATOR SOTTO CALLS BASHERS "ASUNGOT"

Hindi naman nagpatinag ang senador sa mga tirada sa kanya sa social media.

Sa halip na tumulong daw ang mga itong mag-isip ng solusyon, panay paninira lamang daw ang alam ng kanyang detractors.

Continue reading below ↓

"We should stop finding faults and people to blame. Let's just help and pray more!" tweet ni Senator Sotto kahapon, January 14.

Ngayong Miyerkules, January 15, may dagdag na patutsada ang senador laban sa kanyang bashers.

Tweet niya, "ASUNGOT- defined as Good For Nothing Fault Finders."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Tito Sotto on critics of his proposed cloud seeding on ashfall-stricken areas amid Taal eruption: "ASUNGOT- defined as Good For Nothing Fault Finders."
PHOTO/S: @helenstito Instagram / @sotto_tito Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results