Derek Ramsay personal na nag-deliver ng tulong sa Lipa, Batangas

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Jan 15, 2020
Personal na nag-deliver ng tulong si Derek Ramsay sa isang evacuation center sa Lipa City, Batangas.
PHOTO/S: Noel Orsal

Personal na nagtungo at namigay ng tulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Taal Volcano sa Lipa City, Batangas ang Kapuso actor na si Derek Ramsay.

Pumunta si Derek sa evacuation center sa Inosluban Marawoy Elementary School.

Sa kabila ng naranasang kalamidad, bakas sa mukha ng mga mamamayan nakahimpil sa evacuation center ang tuwa nang dumating si Derek na nagpaunlak pa ng selfie sa mga tuwang-tuwang Batangueno.

Ayon kay Derek, may bahay rin daw sila sa Tagaytay kaya kahit sila ay nalungkot sa sinapit ng kanilang bayan, pati na rin ang lalawigan ng Batangas.

Bago siya namigay ng relief goods, nanawagan muna sa publiko si Derek sa pamamagitan ng kanyang social media, na tumulong sa kahit na anong paraan na makakaya nila.

Sa mga nais na mag-donate o maghatid mismo ng tulong sa mga nasalanta, ipinost din niya ang lokasyon ng iba pang evacuation centers sa bayan ng Lipa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Personal na nag-deliver ng tulong si Derek Ramsay sa isang evacuation center sa Lipa City, Batangas.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results