V of BTS, Sandara Park, Park Seo Joon, L express concern for Filipinos hurt by Taal eruption

by Jet Hitosis
Jan 15, 2020
Korean celebrities (from left) V of BTS, Sandara Park, Park Seo Joon, and L of Infinite express concern and appeal for prayers for Filipinos affected by Taal Volcano eruption in Philippines.
PHOTO/S: @btstae, @daraxxi, @bn_sj2013, @kim_msl on Instagram

Nagpaabot ng dasal ang ilang K-pop stars sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Pilipinas.

Ito ang iniulat nitong Martes, January 14, ng pangunahing Korean entertainment website na Soompi.com, habang patuloy ang monitoring ng Pilipinas sa bulkan sa Batangas na nag-aalburoto simula nitong Linggo, January 12.

Sa report ng Soompi, Martes ng umaga nang magpahayag ng pag-aalala si V, isa sa miyembro ng sikat na K-pop group na BTS, para sa mga apektado ng kalamidad.

V OF BTS, SANDARA HOPE FOR EVERYONE’S SAFETY

Isang miyembro ng BTS fan community ang nag-post ng litrato ng sumasabog na Taal Volcano upang humiling ng ayuda para sa iba pang tagahanga ng K-pop group na apektado ng trahedya.

Translation ng Soompi sa reply ni V sa fan: “My heart really aches lately. I really hope that no one gets hurt and that nature causes no further harm to people. [praying hands emoji]”

Continue reading below ↓

Martes din nang mag-post si Sandara Park—na Dara ang pangalan bilang member ng nabuwag nang Korean all-girl group na 2NE1—sa kanyang Instagram Stories ng litrato ng Taal Volcano eruption.

Caption ni Dara sa litrato: “Please stay safe everyone.”

Continue reading below ↓

Isa si Dara sa mga unang South Korean celebrities na naging aktibo sa Philippine showbiz, at unang nakilala bilang contestant ng ABS-CBN artista search na Star Circle Quest noong 2004.

Sa Pilipinas, nag-release siya ng album at gumawa ng ilang pelikula hanggang 2007.

PARK SEO JOON PRAYS, L EXPRESSES CONCERN

Martes ng gabi naman nang nag-post sa Instagram ng “PRAY FOR TAAL” ang Korean actor na si Park Seo Joon.

Continue reading below ↓

Kilala sa kanyang pagganap sa mga Korean series na She Was Pretty (2015) at What's Wrong With Secretary Kim? (2018), nasa Pilipinas si Seo Joon noong September 2019 para sa isang fan meet.

Manila fan meet din ang sinadya sa bansa nitong Lunes, January 13, ni Kim Myung-soon, na mas kilala bilang L, member ng K-pop boy band na Infinite.

Sa kanyang Instagram post nang araw ring iyon, isinulat ni L sa caption: “I hope that no one will be affected by this natural calamity.”

Continue reading below ↓

SIWON CHOI AND JUNG IL WOO PRAY FOR THE PHILIPPINES

Lunes din nang mag-tweet ang miyembro ng Korean boy band na Super Junior na si Siwon Choi para sa Pilipinas.

Sa post ni Siwon, nag-aalala ang regional ambassador ng UNICEF East Asia and the Pacific para sa mga bata at matatandang evacuees.

Tweet ni Siwon: “My prayer goes out to the children and the elderly and infirm of the Philippines. I hope no one is seriously hurt from the volcanic eruptions and the earthquakes.”

Continue reading below ↓

Ang Korean actor na si Jung Il Woo, idinaan sa Instagram post ngayong Miyerkules, January 15, ang pananalangin para sa kaligtasan ng mga Pilipino.

Jung Il Woo: “Pray for Philippines [praying hands emoji]”

TAAL VOLCANO UNREST: 2 DEAD, 82,000 EVACUATED

Kabilang ang mga lungsod sa southern Metro Manila sa mga naapektuhan ng malawakang ashfall na bunsod ng pagsabog ng Taal.

Continue reading below ↓

Simula nang mag-alburoto nitong Linggo ay nakataas na sa level 4 ang alerto sa bulkan.

Ayon sa latest report ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa 18,646 na pamilya o mahigit 82,000 katao na ang nailikas mula sa mga apektadong bayan sa Batangas at Cavite.

Kinumpirma rin ng PDRRMO ngayong Miyerkules na may dalawang kataong nasawi kasunod ng pagsabog ng bulkan.

Kapwa namatay sa atake sa puso sa kasagsagan ng evacuation sina Anatalia Dionisio, 65, at Danilo Toledo, 27, ayon sa report na ipinarating sa PDRRMO.

Aabot naman sa P218 million ang pinsala ng pagsabog ng bulkan sa agrikultura sa Batangas, batay sa initial assessment ng provincial government.

Pamamahagi ng ayuda at pagre-rescue sa mga naabandonang hayop naman ang tinututukan ng mga pribadong indibiduwal at organisasyon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean celebrities (from left) V of BTS, Sandara Park, Park Seo Joon, and L of Infinite express concern and appeal for prayers for Filipinos affected by Taal Volcano eruption in Philippines.
PHOTO/S: @btstae, @daraxxi, @bn_sj2013, @kim_msl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results