Alex Gonzaga, Alden Richards accused of not helping Taal evacuees

by Rachelle Siazon
Jan 15, 2020
Alex Gonzaga and Alden Richards's dad issue separate statements in response to netizens claiming that the two celebrities are not extending aid to residents who have been affected by the recent Taal eruption.
PHOTO/S: @charismalico via @cathygonzaga / @aldenrichards05 Instagram

Dapat pa bang i-post sa social media ang pag-abot ng tulong sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal?

Ito ang buwelta ni Alex Gonzaga at ng ama ni Alden Richards sa mga netizen na humusga sa umano'y kawalan ng amor ng dalawang sikat na artista sa mga residenteng nasalanta ng Taal Volcano eruption noong Linggo, January 12.

Ngayong Miyerkules, January 15, nag-tweet si Alex tungkol sa pagkuwestiyon ng ilang netizens kung bakit hindi raw siya nagsasagawa ng relief operations.

Lumalabas na naikukumpara si Alex sa ibang showbiz personalities na nabalitang aktibo sa relief operations sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkan sa Taal, Batangas.

Dawit pa sa isyu si Mikee Morada, councilor ng Lipa City, Batangas, at non-showbiz boyfriend ni Alex.

Depensa ni Alex, hindi basehan ang pagpu-post sa social media ng kung anumang aksiyon ang ginawa nila ni Mikee upang matulungan ang Taal evacuees.

Saad niya (published as is): "I appreciate everyone na tumutulong sa nasalanta nating kababayan.

Continue reading below ↓

"However, boyfriend ko po konsehal ng Lipa at ako man po maraming kakilala sa Batangas kaya bago nya pa po kami husgahan at idemand na tumulong naisip na ho namin yan.

"Hindi na po kailangan ipost ang tulong."

Continue reading below ↓
Recommended Videos


NETIZEN CRITICIZES ALDEN

Ang Kapuso actor na si Alden Richards ay nakaranas din ng pagbatikos mula sa netizens.

Continue reading below ↓

Kahapon, January 14, umalma ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson Sr. sa akusasyon ng isang netizen na panay lamyerda raw ang inaatupag ng Kapuso actor sa halip na tumulong sa Taal evacuees.

Kaugnay ito ng "#latepost" ni Alden ng kanyang 28th birthday celebration sa Enchanted Kingdom kasama ng kanyang fans.

Sabi ng netizen (published as is): "#taalvolcanoeruption2020 MUNA ALDEN, panahon muna ng pakikidamhati SAYANG NAMAN ang pagiging maka-DIYOS mo

"Bukas mo na lang ulit buhatin ang grupo mo kasama na sarili mo.

"BAYANIHAN muna para sa #PrayForPhilippines #TaalVolcanoAshfall

"Huwag muna pabida at pabibo kung maari Lang"

IN ALDEN'S DEFENSE

Wala mang post sa social media si Alden, tahimik daw itong nagpapaabot ng tulong sa nasalanta ng Taal eruption.

Bilang patunay, ipinakita ng ama ng aktor ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ng kanyang anak.

Makikita ritong umutang ng "10k" si Alden sa ama para sa isang taong humihingi ng tulong sa aktor.

Continue reading below ↓

Nagbilin din si Alden na iwan ang pera sa pag-aari niyang fastfood restaurant sa Biñan, Laguna, na kabilang sa mga bayang naapektuhan ng Taal eruption.

Binanggit ni Alden na "Reynie" ang pangalan ng taong pagbibigyan ng pera, pero burado ang apelyido nito sa screenshot na ipinakita ng ama ng aktor.

Tweet ng ama ni Alden: "Isang tao palang yan boss, kahapon 7:15 ng umaga kahit malayo siya dun sa dapat mabigyan mg tulong, may ginagawa na yan. Thank you."


Continue reading below ↓

Sa sumunod na post ng ama ni Alden, inanunsiyo rin niyang pansamantalang sarado ang isa pang restaurant ng kanilang pamilya sa Tagaytay gawa ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal.


Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga and Alden Richards's dad issue separate statements in response to netizens claiming that the two celebrities are not extending aid to residents who have been affected by the recent Taal eruption.
PHOTO/S: @charismalico via @cathygonzaga / @aldenrichards05 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results