Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Thea Tolentino breaks up anew with Mikoy Morales

by Jojo Gabinete
Jan 15, 2020
Kahit hiwalay na sila, sinabi ni Thea Tolentino na best of friends pa rin sila ni Mikoy Morales, at pinatotohanan niyang puwede pa ring magsama ang dalawang tao na dating magkarelasyon.
PHOTO/S: Noel Orsal

For the nth time, hiwalay na uli sina Thea Tolentino, 23, at Mikoy Morales, 26.

Mutual decision ang paghihiwalay nila, ayon kay Thea nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Madrasta ng GMA-7 sa Valley Golf Subdivision, Antipolo City, nitong Miyerkles ng hapon, January 15,

"Wala na po kami, pero okey po kami. Friends po kami," pagtatapat ni Thea tungkol sa breakup nila ng kanyang karelasyon sa loob ng limang taon.

Kailan sila naghiwalay?

"Two weeks ago po," sagot niya.

Fresh pa, baka may chance pang magkabalikan sila?

"Hmmm... kung may chance po, matagal-tagal, kasi hindi rin po makakabuti sa amin.

"This time, yung breakup namin is for our growth, saka masyado rin akong naging dependent sa kanya."

Continue reading below ↓

Paglilinaw pa ni Thea, "Hindi po kami nag-away, as in okey kami.

"Naramdaman po namin parehas.

"Siyempre po, nalungkot ako, kasi sobrang laki ng parte ng everyday life ko na nandiyan siya.

"Pero mas happy din naman ako ngayon kasi natututo akong mag-depend sa sarili ko. Natututunan ko na, 'Ay, kaya ko pala ito!'

"Naging dependent ako sa kanya emotionally, when it comes to my decision.

"Parang masyado kong gustong malaman ang approval niya na, feeling ko, yung tama sa kanya, yun pala ang tama.

"Mababa ang self-esteem ko."

Sina Thea at Mikoy ay unang nagkilala nang sumali sila sa artista search ng GMA-7 na The Protégé: The Big Artista Break noong 2012.

Taong 2013 naging sila, pero nag-break noong August 2017 matapos ang apat na relasyon.

Nagkabalikan sila noong 2018 matapos ang isang taong paghihiwalay.

At kasabay nga ng pagsalubong ng 2020 ay nagdesisyon sina Thea at Mikoy na tapusin muli ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

SOLO FLIGHT IN JAPAN

Bago sila naghiwalay ni Mikoy, 12 araw na nagbakasyon nang solo sa Japan si Thea.

Nagkaroon daw siya ng maraming realizations habang nandoon siya.

Lahad ng Kapuso actress, "Mag-isa akong nagbakasyon sa Japan, twelve days ako doon—from November 23 to December 5.

"Every day, may mga nami-meet ako na bago.

Continue reading below ↓

"Nalaman ko na hindi ko pala kailangang mag-depend sa iba.

"Na puwede palang gawaan ng paraan na ako lang, kasi naranasan kong maiwanan ng bus, hindi ako nag-panic.

"May mga naging friends ako, binigyan nila ako ng libro. Niregaluhan ako ng mga damit ko, so nakakatuwa po."

Pagpapatuloy ni Thea, "Lumakas din lalo ang... kasi noong 2014, nagkaroon ako ng calling sa Japan.

"Parang gusto ko doon, at lalo siyang lumakas nitong huli kong punta."

Malaki raw ang naging impluwensiya ng kanyang solo trip sa Japan sa mga personal na desisyon.

Dagdag ng Kapuso actress, "Mahal po namin yung isa’t isa nang mag-break kami, pero at the same time, ganoon din namin kamahal ang sarili namin."

Continue reading below ↓

Inamin ni Thea na pareho nilang iniyakan ni Mikoy ang kanilang muling paghihiwalay.

Nangyari ang masinsinang pag-uusap at split-up nina Thea at Mikoy sa condominium unit ng dalaga.

Kahit hiwalay na sila, sinabi ni Thea na best of friends pa rin sila ni Mikoy, at pinatotohanan niyang puwede pa ring magsama ang dalawang tao na dating magkarelasyon.

Hindi rin daw siya masasaktan kung sakaling malaman niyang may kapalit na agad siya sa puso ng kanyang ex-boyfriend.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit hiwalay na sila, sinabi ni Thea Tolentino na best of friends pa rin sila ni Mikoy Morales, at pinatotohanan niyang puwede pa ring magsama ang dalawang tao na dating magkarelasyon.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results