Nadine Lustre posts bonding moments with James Reid in Brazil amid reported breakup

by Rachelle Siazon
Jan 15, 2020
Are these photos proof of the current relationship status between Nadine Lustre and James Reid?
PHOTO/S: @nadine Instagram

Ipinakita ni Nadine Lustre na masaya ang bonding moments nila ni James Reid sa Brazil, kung saan naging abala sila para sa isang magazine shoot.

Ito ay makalipas ang dalawang linggo mula nang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na sila dahil sa "irreconcilable differences."

Galing ang impormasyon mula sa source na malapit kina Nadine at James.

Ngayong Miyerkules, January 15, nag-post si Nadine sa kanyang Instagram Stories ng litrato nila ni James na kuha ang higanteng estatwa ng Christ The Redeemer, ang pamosong landmark sa Rio de Janeiro, Brazil.

Sa litrato, makikitang parehong nakangiti sina Nadine at James na akmang aakbay sa balikat ng dalaga.

Wala itong kalakip na caption.

Continue reading below ↓

JADINE IN BRAZIL

Kahapon, January 14, nag-post din sa Instagram Stories si Nadine ng wacky video nila ni James habang kumakain sa isang restaurant.

Nilapatan din niya ito ng effect kunsaan kunwa'y may tumutulong luha sa mata nila ni James.

Tila positibo ang kanilang pagtatrabaho roon dahil maging si James ay nagbahagi rin kahapon ng behind-the-scene video sa ginawa nilang pictorial.

Continue reading below ↓

JADINE RELATIONSHIP STATUS

Noong Biyernes, January 10, una nang nag-post si James ng litrato nila ni Nadine noong nag-hike sila sa Mt. Ulap sa Benguet.

Sa caption, may matalinhagang mensahe si James na wari'y nagpapahiwatig na magkasangga pa rin sila ni Nadine sa kabila ng mga espekulasyon sa kanilang relasyon.

January 5 naman nang tila pinabulaanan ni Nadine ang balitang hiwalay na sila ni James, base sa Instagram Stories ng aktres.

Direktang sagot iyon ni Nadine sa artikulo ni Ricky Lo sa The Philippine STAR, kung saan pinatotohanan ni Ricky ang report ni Jojo Gabinete sa PEP.ph na hiwalay na sina James at Nadine.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Are these photos proof of the current relationship status between Nadine Lustre and James Reid?
PHOTO/S: @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results