Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Robin Padilla commends three Batangueños who died in accident after helping Taal evacuees

by Rachelle Siazon
Jan 16, 2020
Batangueños Rio John Abel (second to the left), Maximino Alcantara (second to the right), and Darwin Lajara (rightmost) earn praises for their unforgettable act of kindness amid Taal eruption. Among the netizens who applauded their modern-day heroic deed was action star Robin Padilla (leftmost).
PHOTO/S: Noel Orsal / Rio John Abel / Maximino Alcantara III / Darwin Lajara

Ang pagiging bayani ay naipamamalas din kahit sa munting aksyon ng kabutihang loob.

Ito ang hinangaan ni Robin Padilla sa tatlong binatang kinilalang "modern-day heroes" sa kasagsagan ng pag-aalburoto ng bulkang Taal sa Batangas.

Sa kanyang Instagram account kagabi, January 15, ni-repost ni Robin ang litrato ng tatlong nasawing young volunteers kalakip ang tag na "HONOR THE SACRIFICE."

Continue reading below ↓

Natukoy sina Rio John Abel, Maximino Alcantara III, at Darwin Lajara sa mga nasawi sa isang vehicular accident matapos mamigay ng relief goods sa San Jose, Batangas.

Si Rio, 22, ay nagtatrabaho bilang line chef at graduate ng De La Salle Lipa.

Dati rin siyang nagsilbi bilang miyembro ng Sangguniang Kabataan chairman sa kanilang barangay sa San Jose.

Matalik silang magkaibigan ni Maximino, 22, na siyang nagmamaneho ng sinasakyan nilang puting kotse.

Si Darwin, 26, ay sinasabing nakasakay sa backseat ng kotse nang mangyari ang aksidente bandang 1 a.m. noong January 14.

Ayon sa police reports, binabaybay ng magkakaibigan ang kahabaan ng national highway ng Banaybanay 1, San Jose, Batangas nang sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa isang nakaparadang ten-wheeler truck.

Napipi nang husto ang harapan at bubong ng kotse sakay ang tatlong biktima.

Dead on the spot sina Rio at Maximino.

Naisugod pa sa ospital si Darwin, pero kinalaunan ay binawian din ito ng buhay.

Continue reading below ↓

GOOD FRIENDS UNTIL THE END

Isang kaibigan ng tatlong biktima, na kinalalang si Merril Patrick Morie Cobarrubias, ang nakapalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes, January 16.

Pinakamalapit si Merril kay Darwin, na 15 taon na raw niyang kaibigan.

Kinumpirma niyang namigay ng relief goods sina Darwin, Rio, at Maximino sa isang bulwagan sa San Jose na ginawang evacuation center sanhi ng pagputok ng bulkang Taal.

Pauwi na raw ang tatlo nang maganap ang aksidente.

Sa Facebook post ni Merill kahapon, January 15, malungkot niyang ibinahagi ang huling pagkakataong nakausap niya si Darwin sa ospital.

Bahagi ng pahayag ni Merill (published as is): "Kinausap pa kita sa hospital. Sabi ko lalaban ka at sumagot ka ng 'yes po'.

"Tinanong din kita kung kaya mo at ang sagot mo 'opo'.

"Pero bakit pare? Bakit ka bumitaw? Napakasakit dahil akala ko hindi ka bibitaw.

"Umasa akong magiging malakas ka at magiging maayos. Wala ng tatawa ng walang pakialam kahit may tulog sa kapit bahay."

Continue reading below ↓

Nang huli silang magkita bago mag-Bagong Taan ay tandang-tanda pa raw ni Merill ang mga sinabi ni Darwin kaharap sina Rio at Maximino.

"'Sasama kahit saan makarating' salitang binitawan mo nung magkakasama kayo na akala ko ay wala lang.

"Pero isa kang tunay na kaibigan. Pero sana hindi mo ginawa sa ganyang paraan," ani Merill.

REMEMBERING RIO, MAXIMINO, darwin

Sa hiwalay na Facebook posts ni Merill, inilarawan din niya si Maximino bilang isang tunay na kaibigan na "isang tawag lang" ay maaasahan, sa panahon man ng saya o problema.

Masasaya rin ang alaala ni Merill kay Rio.

Lahad ni Merill (published as is): "Isa ka sa mga tunay na pilyo pero may puso.

"Napaka bilis ng pangyayari, nag uusap pa tayo tungkol sa gusto mong negosyo pero paano na?

"Wala na akong maririnig na 'anong ulam nyo' at wala ng makikipag trashtalkan sa mama ko sabay ngingisi."

Sa huli, nagbigay-pugay si Merill sa "kabayanihan" ng mga kaibigang sina Rio, Maximino, at Darwin na "tumulong sa mga nasalanta ng Bulkang Taal."

Continue reading below ↓

Sabi pa niya patungkol kay Maximino, "Hanggang sa muli pare Mahal kita!"

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Batangueños Rio John Abel (second to the left), Maximino Alcantara (second to the right), and Darwin Lajara (rightmost) earn praises for their unforgettable act of kindness amid Taal eruption. Among the netizens who applauded their modern-day heroic deed was action star Robin Padilla (leftmost).
PHOTO/S: Noel Orsal / Rio John Abel / Maximino Alcantara III / Darwin Lajara
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results