Rachelle Ann Go recommends marriage before living together

by Rachelle Siazon
Jan 16, 2020
Rachelle Ann Go says marriage with U.S. citizen husband Martin Spies deepened the foundation of their relationship. "Yun talaga ang tinuturo sa akin ni Lord—huwag ma-pride or kailangan maging patient ka."
PHOTO/S: Noel Orsal / @gorachelleann Instagram

Naniniwala si Rachelle Ann Go, 33, na mas mabuting magpakasal muna bago magsama sa isang bubong ang isang magkarelasyon.

Napatunayan daw niya ito sa loob ng halos dalawang taong pagsasama nila bilang mag-asawa ni Martin Spies, 32.

"Marriage is very hard," bungad ni Rachelle Ann.

"Sabi nga sa book ni Timothy Keller na The Meaning of Marriage, marriage will bring out the monster in you.

"Sabi ko, 'Parang totoo nga, ano?' Kasi, it's my first time to live with someone.

"Si Martin din, first time namin na magsama talaga."

Doon daw nila lubusang nakilala ang pag-uugali ng isa't isa.

"Gusto ko pala malinis. Ay, masungit pala ako! Ang dami kong na-discover sa sarili ko.

"Marriage is wonderful kasi lahat ng negative characteristics niyo, mababago niyo, e.

"You have to change, you have to compromise."

Ikinasal sina Rachelle Ann at Martin noong April 18, 2018 matapos ang humigit-kumulang isang taong relasyon.

Continue reading below ↓

Nagkakilala sila noong February 2017 sa New York, nang magtrabaho si Rachelle Ann doon para sa Broadway show ng Miss Saigon.

Kung wala raw basbas ng kasal, madaling kumalas sa oras na may hindi lang nagustuhang pag-uugali ng isang kinakasama sa bahay.

Paliwanag ni Rachelle Ann, "It's good to marry someone first before you live with him.

"Kasi nangyayari, nagiging fast forward yung mga bagay-bagay when you live with someone outside of marriage.

"'Ay, ayoko na. Na-discover ko na ayoko pala siya matulog or ayoko yung cleanliness niya sa bahay. Break na kami.'

"Di ba? And then, talo ang babae."

Sa kaso nila ni Martin, aminado si Rachelle Ann na tulad ng ibang couples ay hindi perpekto ang kanilang relasyon.

Pero ramdam daw niya ang commitment nila sa isa't isa.

"I'm very grateful na I waited for this time to live with someone na kasal kami because we don't have a choice.

Continue reading below ↓

"Kahit na nag-aaway kami, kahit na matutulog ka na, 'Ayoko kausapin kasi galit ako.'

"It's your pride, so you have to change that."

Maliliit na bagay lang naman daw ang pinag-aawayan nila ni Martin.

Dugtong ni Rachelle Ann, "Example na lang, paghugas ng pinggan. Literally little things.

"Yun talaga ang itinuturo sa akin ni Lord—huwag ma-pride or kailangan maging patient ka.

"And that's how you will grow. You know, you're a team."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Rachelle Ann matapos ang kanyang solo presscon sa Cornerstone Talent Management office ngayong Huwebes, January 16.

Para ito sa Valentine concert niyang Rachelle Ann Go The Homecoming, na gaganapin sa Marriott Grand Ballroom ng Resorts World Manila sa February 14.

RACHELLE ANN'S HUSBAND MOVED TO LONDON

Katatapos lang ng West End stint ni Rachelle Anne bilang lead star ng Hamilton kaya ito nakauwi ng Pilipinas para sa anim na linggong bakasyon.

Continue reading below ↓

Naiwan daw doon ang mister niyang si Martin, na nanirahan na rin pala sa London mula nang sila ay ikasal noong 2018.

"He's actually in London right after the wedding. Siyempre, hindi ako pumayag na long distance!" natatawang saad niya.

"When he was still pursuing me, when he asked me, sinabi ko na sa kanya that I'm gonna be back in London or sa Philippines nga.

"Pero siya naman talaga, 'I will go wherever you are.' Feeling ko, ang haba ng hair ko!"

Hindi raw akalain ni Rachelle Ann na makakatagpo siya ng lalaking handang iwan ang buhay na nakagisnan nito sa New York.

South African daw ang lahi ni Martin, pero nanirahan ang pamilya nito sa U.S. mula nang teenager ito.

"Di ba, may mga lalaking ganun, na para lang masabi lang talaga?

"Pero siya talaga, he honored his words. Totoo pala talaga!

"Sumunod din after the wedding."

Sa New York office ng fitness center na Equinox nagtatrabaho si Martin bilang general manager.

Continue reading below ↓

Suwerteng nakalipat daw ito sa London branch ng kumpanya mula nang makasal sila.

"His company is so supportive as well.

"When they learned that I am living in London, nilipat siya ng company niya sa London.

"Sobrang effortless. Hindi namin pinilit talaga.

"Talagang nakaplano, nakalatag na lahat."

SETTLING IN LONDON

Hindi raw pinagsisisihan ng mister ni Rachelle Ann ang paninirahan nito sa London mula sa New York.

"Actually, mas na-enjoy niya ang London kesa New York. He feels at home in London.

"Because he's actually South African. And then, when he was a teenager, he moved to New York with his family.

"Pero yung kultura nila, South African pa rin. Parang Pinoy, very family-oriented."

Nakumpara rin ni Rachelle Ann na tulad ng mga taga-Netherlands ang pag-uugali ng South African husband niya.

"May pagka-Dutch kasi ang mga South African. So when he moved to London, parang ganun kasi yung kultura nila.

Continue reading below ↓

"May pa-Sunday roast sila, very chill, very conservative. So he feels at home."

Lalo pa raw masaya ang pasok ng 2020 sa kanilang mag-asawa dahil kakalipat lang nila sa kanilang four-bedroom home sa Greenwich, London.

Sa March to April pa magbabalik-trabaho si Rachelle Ann bilang Fantine sa West End musical na Les Miserables.

May ilang buwang bakasyon ulit si Rachelle Ann bago magpapatuloy sa Les Miserables mula July hanggang katapusan ng taong 2020.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rachelle Ann Go says marriage with U.S. citizen husband Martin Spies deepened the foundation of their relationship. "Yun talaga ang tinuturo sa akin ni Lord—huwag ma-pride or kailangan maging patient ka."
PHOTO/S: Noel Orsal / @gorachelleann Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results