Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Myrtle Sarrosa promises to donate cut from talent fee to Taal evacuees

by Rose Garcia
Jan 17, 2020
Myrtle Sarrosa on Taal Volcano eruption: "I do hope na ma-rescue yung animals and I do hope na lahat ng mga kababayan natin na nandoon ay safe. And I’m glad na ang daming compassion from our fellow Filipino para sa kanila."
PHOTO/S: Rose Garcia

Nangako si Myrtle Sarrosa na tutulong sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal.

“Kasi, I always take the time to watch the news and see what’s happening,” sabi ni Myrtle nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching niya bilang celebrity ambassadress ng Nouve Fragrances noong Enero 15, Miyerkules, sa Max’s Restaurant, Sct. Tuason St., Quezon City.

“Since it’s the very first endorsement that I have this year, nag-promise ako na part of what Nouve is giving me, I’m giving it.

“I just don’t want to flaunt it. Kasi, I believe, if you’re doing a good deed, you don’t have to tell it to everyone.

“But personally, I will give a part of whatever blessing na binibigay sa akin ni God to all the victims.”

Inalala ni Myrtle na may ilang buwan na ang nakalilipas, nakapamasyal pa siya sa isla ng Taal Volcano at nakita niya ang mga nakatira malapit dito, gayundin ang mga hayop na naiwan noong nag-alburuto ang bulkan.

Continue reading below ↓

“I went to Taal few months back and nakita ko talaga, nilakad namin going up there.

"Nakita namin na walang kuryente and nakita ko yung iba’t ibang animals na nandoon.

“Naaawa talaga ako everytime na nakikita ko yung post ng PETA, I really feel sad.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"So, I do hope na ma-rescue yung animals and I do hope na lahat ng mga kababayan natin na nandoon ay safe.

“And I’m glad na ang daming compassion from our fellow Filipino para sa kanila.”

EXCITED FOR 2020

Maganda para kay Myrtle ang taong nagdaan.

Hindi pa man niya masabi ang mga posibleng proyekto niya ngayong 2020, excited na siya.

“I’m starting 2020 with a lot of blessings,” sambit ni Myrtle.

“Grateful ako sa management ko because they’re cooking something for me for the future.

“Hindi pa namin madi-disclose what project it is, but it’s something to really look forward to.

“Sa totoo lang, sobrang happy ako.

Continue reading below ↓

"Kasi last year, sobrang daming blessing na dumating. I was able to do three films.

“Then, this year naman, pagpasok pa lang ng January, sinasabihan na nila ako na may new endorsement.

“At sa lahat ng celebrities, hindi kaming lahat ay nabibigyan ng ganitong opportunities.”

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Myrtle Sarrosa on Taal Volcano eruption: "I do hope na ma-rescue yung animals and I do hope na lahat ng mga kababayan natin na nandoon ay safe. And I’m glad na ang daming compassion from our fellow Filipino para sa kanila."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results