Nadine Lustre loses cellphone in Brazil

by Bernie V. Franco
Jan 17, 2020
Actress Nadine Lustre takes to Instagram to post that her cellphone was stolen in Brazil.
PHOTO/S: @nadine on Instagram

Nanakawan ng cellphone si Nadine Lustre, 26, base sa kanyang post sa Instagram Story nitong Huwebes, January 16.

Ipinost ng aktres ang kanyang selfie gamit ang bagong cellphone.

Caption niya rito (published as is): “New fone who dis? Legit tho, cuz my phone got stolen yesterday…”

Bukod dito ay hindi na nagdetalye ang aktres kung paano siya nanakawan.

Continue reading below ↓

Base sa kanyang posts, nasa Brazil pa rin si Nadine ngayon.

Nag-post din si Nadine kahapon habang nagwu-workout sa kanyang tinutuluyang building overlooking the most famous landmark ng Rio de Janeiro, ang Christ The Redeemer.

Kasama rin ni Nadine si James Reid, sa kabila ng mga alegasyong break na umano sila.

Ngunit ang Brazil trip ay sinasabing para talaga sa isang trabaho—isang pictorial ng dalawa.

Nito namang January 15, Miyerkules, nag-post si Nadine ng ilang bonding moments nila ni James, gaya ng larawan nilang dalawa habang nasa background ang Christ The Redeemer.

Maging si James ay nagbahagi, noong January 14, Martes, ng short video clip ng pictorial nila ni Nadine sa Brazil.

Higit dalawang linggo na ang nakalilipas, lumabas ang balitang hiwalay na ang real-life couple, na galing mismo sa isang malapit na tao sa dalawa.

Ayon pa sa source, dinadahan-dahan ni James ang breakup nila ni Nadine.

Pero nang sinusugan ang balita ng veteran entertainment columnist-editor na si Ricky Lo, at sinabing ito ay dahil sa may mental health issues si Nadine, mariing itinanggi ito ni Nadine.

Sa pag-alma ni Nadine, pinuna nito sa kanyang post ang pagdawit ng columnist-editor sa isyu ng mental health "just to prove a point."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Nadine Lustre takes to Instagram to post that her cellphone was stolen in Brazil.
PHOTO/S: @nadine on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results