Ella Cruz reacts to credit-grabbing accusation over BlackPink dance cover award

by Bernie V. Franco
Jan 17, 2020
Ella Cruz (left) cries foul after being accused of grabbing all the credit for her group's dance cover award at BlackPink's fan meet in Indonesia. (Right photo) Ella performed with SexBomb NewGen Girls members Daphny Red and Eunice Creus.
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram

Sinagot ni Ella Cruz, 23, ang akusasyong sinosolo niya ang credit matapos umani ng papuri ang kanilang grupo na sumayaw sa isang fan meet ng sikat na K-Pop group na BlackPink.

Si Ella ay self-confessed fan ng BlackPink, na kumanta ng hit songs na "Kill This Love," "Boombayah," "Whistle," at "Ddu-du Ddu-du."

Ang fan meet ay inorganisa ng isang international mobile phone brand at ginanap sa Tennis Indoor Stadium Senayan sa Jakarta, Indonesia nitong January 14, 2020.

Si Ella ay naimbitihan sa event upang mag-dance cover.

Kasama ang dalawang miyembro ng Sexbomb New Generation Girls (SB NewGen) na sina Daphny Red at Eunice Creus, tinawag ang kanilang grupo na Gabriela Philippines.

Isinayaw ng grupo ang medley o mashup ng BlackPink songs.

Sa mga lumabas na video ng performance nina Ella, makikita kung paano humanga sa kanila ang members ng BlackPink na sina Lisa, Jennie, Jisoo, at Rose.

Dahil sa husay na ipinakita nila, iginawad kina Ella ang Awesome Cover award.

Continue reading below ↓

Sunud-sunod naman ang posts ni Ella sa social media dahil sa labis na kaligayahan.

Narito ang ilan sa kanyang posts:

Continue reading below ↓

ELLA ACCUSED OF CREDIT GRABBING

Pero tila mayroong mga hindi natuwa sa achievement ni Ella.

Inakusahan ng ilang netizens ang actress-dancer na kinukuha umano ang lahat ng credit dahil sa nakamit na karangalan ng kanyang grupo.

Itinanggi ito ni Ella.

Tweet niya: "Never ko tinake lahat ng credits FYI. Mga tao talaga [face palm emoji] balakaujan! Basta nakasayaw ako sa harap ng BLACKPINK [hearts, crying emojis]"

Continue reading below ↓

Nakahanap naman ng kakampi si Ella mula sa kanyang mga kagrupong SB NewGen.

Via Twitter ng grupo, ipinagtanggol nila ang actress-singer.

Paglilinaw nila, si Ella lamang ang imbitado sa naturang event, pero sumama sila upang makita rin ang BlackPink.

Ayon sa tweet: “FYI: Ella was the only one invited since she is a PH endorser of SAMSUNG but we joined cause we want to meet BP too! Can we just be happy for one another guys!!!

“Dreams are being fulfilled and recognized no reason mag crab mentality!! Toxic haters kinagaling niyo ang pagbabash?”

Continue reading below ↓

Pakiusap pa ng grupo, itigil ang crab mentality at maging masaya sa mga kapwa Pilipinong nagbibigay ng karangalan sa bansa.

“Can we make this a thing? Pinoys supporting fellow Pinoys | Queens Raising each others Crown! Get yourself a REAL SQUAD. no hate, no judgement, no jealous bitches allowed. [hug emoji]”

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ella Cruz (left) cries foul after being accused of grabbing all the credit for her group's dance cover award at BlackPink's fan meet in Indonesia. (Right photo) Ella performed with SexBomb NewGen Girls members Daphny Red and Eunice Creus.
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results