Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Erich Gonzales brings rumored non-showbiz boyfriend to a party

by Rachelle Siazon
Jan 17, 2020
Erich Gonzales (wearing black cap) and rumored non-showbiz boyfriend Mateo Lorenzo (in white button-down shirt) seen together at party with select Star Magic artists.
PHOTO/S: @erichgg / @gretchenho Instagram

Sa isang bihirang pagkakataon, namataan si Erich Gonzales kasama ang rumored non-showbiz boyfriend niyang si Mateo Lorenzo sa isang intimate party noong January 15.

Birthday celebration iyon ni Love Capulong, handler sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Ang kapwa-Star Magic artist ni Erich na si Gretchen Ho ang nagbahagi ng kanilang group picture sa Instagram.

Kasama rin sa party sina Maymay Entrata, Edward Barber, Nyoy Volante, Jona, at Eric Nicolas.

Bahagi ng caption ni Gretchen: "Happy birthday to our ever responsible, professional, yet cool & very loving @starmagicphils handler @LoveCapulong!!!"

Parehong naka-white top ang magkasintahang Erich at Lorenzo, na nakapuwesto sa bandang likuran.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Huling namataan sina Erich at Mateo sa isang intimate party kasama sina Vina Morales at Jed Madela noong December 2018.


Sa isang fan account, makikita ang kabuuan ng video clip kunsaan nagkakasiyahan sina Erich, Mateo, at ibang guests sa kanilang private get-together.

May isang puntong sandaling humilig si Erich sa balikat ng binata na senyales ng pagtatangi nila sa isa't isa.

Continue reading below ↓

LOW-KEY LOVE LIFE

Low-key lang si Erich sa estado ng kanyang love life, at hindi kailanman nagpu-post ng litrato ni Mateo sa Instagram.

Sa kanyang YouTube vlog noong July 8, 2019, hindi tuwirang binanggit ni Erich na boyfriend na niya si Mateo na matagal nang nanliligaw sa kanya.

Pero ipinahiwatig ni Erich na masaya ang kanyang love life, at ayaw lang niyang magkuwento rito dahil nais niyang protektahan ang isang bagay na sobrang mahalaga sa kanya.

Continue reading below ↓

"I don’t wanna ruin it, so sa akin na lang yun," dagdag ng Kapamilya actress.

WHAT ERICH SAID ABOUT MATEO

Iwas din si Erich sa pagbanggit ng pangalan ng kanyang rumored boyfriend.

Sa hiwalay na panayam noong March 2018, ang tanging paglalarawan niya rito ay "kapatid po siya ng boyfriend ni Clauie, ni Claudia Barretto."

Pribado raw kasi ang pamilya ng binata at hindi sanay sa buhay-showbiz.

Pero kinumpirma ni Erich na April 2017 pa niya nakilala ang binata.

Pero natukoy ang binata bilang si Mateo Lorenzo, base sa kumalat na litrato nila ni Erich noong February 2018.

Nabanggit din sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isa si Mateo sa 12 anak ng negosyanteng si Martin Ignacia Lorenzo na namamahala ng chain of restaurants sa bansa. Konektado rin ito sa iba pang negosyo.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erich Gonzales (wearing black cap) and rumored non-showbiz boyfriend Mateo Lorenzo (in white button-down shirt) seen together at party with select Star Magic artists.
PHOTO/S: @erichgg / @gretchenho Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results