Gerald Anderson says military experience helped him overcome bashings

Jan 17, 2020
Gerald Anderson says that his military experience as an Army reservist helped him deal with the continuous bashing months after his controversial breakup with Bea Alonzo.
PHOTO/S: Noel Orsal

Kasabay ng pagdami ng bashers ni Gerald Anderson, natutunan niyang maging pasensiyoso.

Ito ang naging epekto kay Gerald ng pagkaka-expose niya sa buhay militar para sa bagong teleserye nito sa ABS-CBN, ang A Soldier’s Heart.

Sinabi ng 30-anyos na aktor na binago ng experience niya sa Philippine Army reserve force ang kanyang “perspective sa buhay,” at natuto siyang maging mapagpasensiya.

Sumailalim si Gerald sa three-day Scout Rangers training noong August 2019 bilang isang Army reservist.

Ngayon, pinipili ni Gerald na huwag magpaapekto sa mga patuloy na namba-bash sa kanya kaugnay ng kontrobersiyal nilang hiwalayan ni Bea Alonzo noong Hulyo ng nakalipas na taon.

Tanggap daw ng aktor na parte ng trabaho ng mga tulad niyang public figure ang ma-bash.

GERALD PREFERS TO IGNORE BASHERS

“Kasama talaga sa trabaho ko 'yan, e,” sabi ni Gerald sa entertainment reporters na dumalo sa special screening ng A Soldier’s Heart sa Gateway Cinema 5 nitong Huwebes, January 16.

Continue reading below ↓

“Exposed kami dahil sa social media… open para sa kahit sinong taong puwedeng mag-comment.”

Pero para kay Gerald, desisyon na ng mga tulad niyang celebrity kung magpapaapekto sila sa mga negatibong sinasabi ng publiko.

“But nasa inyo na 'yan, nasa atin na 'yan, kung paano natin tatanggapin.

“Alangan naman dahil sa may nag-bash sa akin, titigil na ako.

“Ang dami ko pang pangarap, ang dami ko pang pinapakain."

Hindi naman niya napigilang idagdag, “Hindi naman ako yayaman dun sa bashers.”

Sa kasagsagan ng pamba-bash kay Gerald, kasunod ng alegasyon ni Bea na na-“ghosting” siya ng aktor, pinili ng huli ang manahimik hanggang sa tuluyang humupa ang isyu.

“Kailangan, e,” sagot ni Gerald. “Alangan naman sasabayan ko yung gulo.”

GERALD-BEA-JULIA ISSUE

Naging malaking isyu ang breakup ni Gerald, 30, kay Bea, 32, dahil itinuturong third party ang kapwa nila Kapamilya star na si Julia Barretto, 22 anyos.

Itinanggi ng aktor na si Julia ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea, at kasabay nito, nilinaw ni Julia na hindi niya kailanman naging boyfriend si Gerald.

Continue reading below ↓

Nagtambal sa pelikulang Between Maybes noong May 2019, paulit-ulit pinabulaanan nina Gerald at Julia na may relasyon sila.

Nang kumustahin nitong Huwebes ang kanyang love life, natatawa at paiwas na sumagot ang aktor na, sa ngayon, nasa A Soldier’s Heart lang ang kanyang buong atensiyon—lalo na ang kanyang puso.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson says that his military experience as an Army reservist helped him deal with the continuous bashing months after his controversial breakup with Bea Alonzo.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results