Dyosa Pockoh kinatuwaan ng netizens dahil sa "good vibes" na hatid sa evacuees

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Jan 17, 2020
Sa kabila ng nararanasang pagsubok, ikinatuwa ng netizens ang positivity na ipinapakita ni Dyosa Pockoh. Isa ang pamilya ng komedyante sa mga naapektuhan ng kalamidad na dulot ng pag-alburoto ng Bulkang Taal.
PHOTO/S: Dyosa Pockoh Facebook

Sa gitna ng naranasang kalamidad marami ang natuwa sa mga post ng komedyante at One of the Baes star na si Dyosa Pockoh.

Taga-Lemery, Batangas si Dyosa at nang magsimulang magbuga ng usok ang Bulkang Taal, kasama si Dyosa at ang kanyang pamilya sa mga Batanguenyong nagsilikas patungo sa Nasugbu.

Pero kahit na isa sa mga evacuees, nagawa pa ni Dyosa na mag-post ng nakakatuwang photos at videos ng kanyang buhay bilang "bakwit" o evacuee.

Sa kanyang Facebook page, ipinakita ni Dyosa ang kanyang pagrampa suot ang mga donation na damit mula sa mga nagpadala ng tulong.

Nagpapasalamat ang komedyante sa mga tumulong at patuloy na tumutulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ikinatuwa naman ng netizens ang positivity at "good vibes" na ipinapakita ni Dyosa sa kapwa evacuees sa kabila ng dinaraanang pagsubok.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng nararanasang pagsubok, ikinatuwa ng netizens ang positivity na ipinapakita ni Dyosa Pockoh. Isa ang pamilya ng komedyante sa mga naapektuhan ng kalamidad na dulot ng pag-alburoto ng Bulkang Taal.
PHOTO/S: Dyosa Pockoh Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results