Jobert Sucaldito DZMM contract under review after on-air rant against Nadine Lustre  

by Arniel C. Serato
Feb 12, 2020
Reliable ABS-CBN sources say that Jobert Sucaldito's contract with DZMM is being reviewed by management after he lambasted Nadine Lustre in Showbuzz last January 6, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: DZMM Teleradyo on Facebook / @nadine on Instagram

Lagpas isang buwan nang hindi napapakinggan at napapanood si Jobert Sucaldito sa programang Showbuzz ng DZMM, na sumasahimpapawid tuwing 10 to 10:30 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes.

Co-anchor ni Jobert sa radio program na ito si Ahwel Paz.

Maraming netizens ang nagtaka sa absence ng beteranong entertainment reporter, columnist, broadcaster, at talent manager.

Bago pa nito, nakaabot sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong bandang January 10, 2020, na diumano'y sinibak ng istasyon si Jobert.

Ayon sa parehong station insider, hindi na ni-renew ng DZMM ang yearly contract nito.

May isa namang nagsabing under review ang kontrata, at kaalinsabay nito'y suspendido ang radio talent indefinitely.

Hindi man malinaw kung alin sa dalawang kaganapan ang totoo, nag-ugat daw ang lahat sa pagbanat ni Jobert sa Viva actress na si Nadine Lustre sa Showbuzz noong gabi ng January 6, Lunes.

JOBERT SUCALDITO VS. NADINE LUSTRE

Sa programa noong January 6, tinalakay nina Jobert at Ahwel ang mainit na isyu ng hiwalayan nina James Reid at Nadine.

Continue reading below ↓

Naunang iniulat ng PEP.ph ang hiwalayan ng controversial couple, sa Cabinet Files ni Jojo Gabinete, noong January 1.

Ang ugat ng hiwalayan umano ng dalawa ay “irreconcilable differences.”

Ngunit kalaunan, may mga larawang in-upload ang mga kaibigan ng dalawa na nagpapakitang magkasama pa sina James at Nadine.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bunsod nito, may mga diehard JaDine fans na nagsabing "fake news" ang nasabing balita, habang may mga kontra JaDine na nagsabing "gimik" lang ito.

Isa si Jobert sa nagsabing gimik ang balita.

Sa kanyang mainit na litanya sa radio program, sinabi ni Jobert: “Hindi kami ang may pakulo nitong lahat ng ito.

“Wala kaming alam sa buhay ng mga idols ninyo.

“Sila ang naggawa-gawa ng kuwento na ang pagkamali namin ay pinatulan namin...

“'Di ba, yun naman ang gusto nila? Kunu-kuno may mga labas ang puwet, naka-T-back pa dun sa building."

Pagpapatuloy ni Jobert sa kanyang birada: “'Tapos may mga nakalagay na caption, parang gustong tumalon.

Continue reading below ↓

“Sana tumalon na lang, kung ganun din lang naman pala."

Ang tinutukoy ni Jobert ay ang post ni Nadine sa Instagram noong Araw ng Pasko, December 25, kung saan naka-T back ito habang nasa terrace ng isang condominium o hotel.

Nakalagay sa caption ni Nadine: “I can't be who you want.”

Continue reading below ↓

THE FACEBOOK RANT

Pagkatapos mamuna sa kanyang radio program, sinundan ito ni Jobert ng banat sa kanyang personal Facebook account noong January 8, Miyerkules.

Sa kanyang mahabang post, dinepensahan ni Jobert ang veteran entertainment editor na si Ricky Lo, na kumumpirma sa isinulat ni Jojo Gabinete sa PEP.ph na hiwalay na ang dalawang Kapamilya stars.

Bahagi ng isinulat ni Jobert (published as is): "Nakakaawa rin si Nadine Lustre dahil sa masyado yata niyang isinaisip that she's that big already...

“Tulad nitong off na reaction niya sa sinulat ni kaibigang Ricky Lo who has gained the country's respect as an entertainment editor, hindi siya dapat naging sarkastiko - if she felt na na-offend siya halimbawa sa naisulat about her, the best thing that she could have done was call Ricky Lo and told him her side of the story.

“Hindi yung sasabihin niyang 'As if you know so much about me' or something to that effect with matching 'You cannot even spell my last name right' which is near impossible.

Continue reading below ↓

“'Tapos dinugtungan pa niya ng 'Nu na, 2020 na' na parang super angas ang dating...

“MR. RICKY LO DESERVES AN APOLOGY FROM YOU....

“Kung nagawa mo ngang bastusin ang isang Ricky Lo, the more na puwede mong gawin to any of us.

“Tama Ining? Bawas lang ng yabang bago pa mahuli ang lahat...

"Itong isyu ng kiyemeng hiwalayan ninyo ni James Reid na napatunayang fake pala ay gawa ninyo.

“Kayo mismo ang may gawa nito. Pakana niyo ito..

“Nag-ingay ka lang pala para pag-usapan ang palamlam na loveteam ninyo dahil umalis ka na rin sa Viva to join James Reid's Careless Management put up by James' dad."

[Ed's Note: Si Nadine ay pumirma sa Careless Management para sa kanyang music career. Samantala, nasa pangangalaga pa rin siya ng Viva Entertainment bilang aktres. Ito ay sa kabila ng deklarasyon ng kampo ni Nadine na kumalas na ito sa pangangalaga ng Viva.]

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Jobert sa Facebook (published as is): “Nag-ingay ka lang para kiligin ang mga fans ninyo dahil may niluluto kayong mga projects together.

“Walang problema roon kung iyon ay sadya ninyong pinlano para mapag-usapan kayo.

“Ang pinaka-kasalanan lang namin ay pinatulan namin kayo thinking na totoo ngang may problema sa relasyon ninyo.

“Iyon pala, YOU JUST TOOK US FOR A RIDE! Congratulations then!

“Nagtagumpay kayo sa first phase ng drama ninyo..."

Continue reading below ↓

Burado na ito sa Facebook timeline ni Jobert.

NADINE LUSTRE VS RICKY LO

Sa kainitan ng usaping hiwalayan noong unang linggo ng Enero, kinumpirma ni Ricky Lo ang balita ni Jojo Gabinete, na lumabas dito sa PEP.ph noong January 1, na hiwalay na sina Nadine at James.

Noong January 4, inilagay ito ni Ricky sa kanyang artikulo sa The Philippine Star, sa ilalim ng pamagat na “JaDine breakup: A case of too much, too soon?”

Ayon sa ulat ni Ricky, umalis na rin umano si Nadine sa tinitirhan nila ni James sa Quezon City, at kasalukuyan daw nakatira ang 26-year-old Viva talent at Kapamilya star sa isang condominium sa Makati City.

Sa printed edition ng artikulo, sinabi ring maingat at maayos ang pagdala ni James ng breakup dahil umano sa "mental illness" ni Nadine.

Bahagi ng nakalagay sa artikulo: "James is handling the breakup with care to cushion the impact on Nadine who has admitted grappling with mental illness."

Continue reading below ↓

Tinanggal ang bahaging ito sa online edition ng pahayagan, na lumabas din noong araw na iyon.

January 5, inilabas ni Nadine ang kanyang saloobin sa kanyang Instagram Stories.

Inalmahan niya ang paggamit ni Ricky sa terminong "mental illness."

Sabi pa ng Your Moment judge: “First off, that was so low @therealrickylo @philippinestar.

"Second, none of what you said was true & It is NEVER okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental Illness is a very sensitive matter.

"& last, you think you know so much abt me, you can’t even get my last name right. ANU NA, 2020 NA!!"

Continue reading below ↓

“#SUICIDEISNOTAJOKE” TRENDS ON TWITTER

Noong January 8, naging trending topic sa Twitter ang #SuicideIsNotAJoke campaign.

Inalmahan ng maraming JaDine fans—at maging ng mga ordinaryong netizens—ang sinabi ni Jobert noong January 6 na sana ay tumalon na lamang si Nadine mula sa building.

Narito ang ilan sa mga post ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nakarating kaagad ito sa ABS-CBN News and Current Affairs head na si Ging Reyes. Sakop ng departamentong ito ang DZMM.

Nag-isyu ng pahayag si Ging.

Noong araw ding iyon, sa kanyang Twitter, sinabi ni Ging na mahigpit ang kanilang kumpanya sa isyu ng mental health.

Ayon sa statement ni Ging: “We in ABS-CBN News take the issue of mental health very seriously.

Continue reading below ↓

“This was even the subject of a recent documentary that was produced.

“We are investigating reports that DZMM host Jobert Sucaldito uttered inappropriate and insensitive comments regarding actress Nadine Lustre’s state of mental health.

“Our journalists and other members of our team are accountable for their on-air statements.”

Kasunod nito, humingi rin ng dispensa si Jobert sa kanyang mga nasabi.

Continue reading below ↓

Sabi sa statement ni Jobert: “I would like to apologize to Ms. Nadine Lustre and to those who got bothered by that sa aspetong ito.

“I am also apologizing to my radio network DZMM for putting them in discomfort because of this.”

JOBERT SUCALDITO’S CONTRACT IS UNDER REVIEW

Sa pananaliksik ng PEP.ph, ilang sources ang nagsasabing suspended si Jobert sa radyo dahil sa pangyayari.

Ayon sa isang source sa loob ng network, kasalukuyan daw pinag-aaralan ng management ang kontrata ni Jobert upang intindihin kung may nalabag ba ito sa terms and conditions na nakasaad doon.

Hindi rin daw muna pinagri-report si Jobert sa kanilang programa ni Ahwel.

Hindi naman malinaw kung kailan matatapos ang review at kung kailan makakabalik si Jobert sa DZMM.

Maaaring palitan na raw siya sa kanilang programa ni Ahwel ng kapwa DZMM showbiz host na si Ambet Nabus.

Bago pa ang insidenteng ito kay Nadine Lustre, si Jobert ay ilang beses na ring napaaway sa ilang Kapamilya stars, noon at ngayon.

Continue reading below ↓

Kabilang na rito si Willie Revillame; ang comedian-host na si John "Sweet" Lapus; ang singer na si Erik Santos at ang manager nitong si Erickson Raymundo; at ang singer na si Morissette Amon.

Noong May 2010, noong nasa bakuran pa ng ABS-CBN si Willie at namamayagpag ang noontime show nitong Wowowee, nagbanta ang TV host na magre-resign siya sa kanyang programa kung hindi patatalsikin ng mga boss ng network si Jobert.

Ito ay dahil sa pagtira ni Jobert kay Willie sa mga sinusulatan nitong tabloids.

Kalaunan ay nilisan ni Willie ang ABS-CBN.

Taong 2011 nang nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Jobert at Sweet, na noon ay nasa bakuran ng GMA-7.

Ito ay dahil sa hindi totoong report na isinulat ni Jobert tungkol kay Sweet sa kolum nito sa isang tabloid.

Sinampahan ni Sweet ng kasong libel si Jobert, ngunit pinatawad niya ito pagkatapos humingi ng public apology ang huli.

Continue reading below ↓

Noong 2017 naman, ang sigalot sa pagitan nina Jobert, Erik, at Erickson ay humantong sa demandahan.

Ito ay dahil sa malisyoso at mapanirang Facebook posts ni Jobert patungkol kina Erik at Erickson. Kinatigan ng korte sina Erik at Erickson.

Noong November 2019 ay tinira naman ni Jobert si Morrissette pagkatapos mag-walk out ng Kapamilya singer sa concert ng alaga ni Jobert na si Kiel Alo.

GETTING JOBERT SUCALDITO'S SIDE

Mula pa noong January 15, ilang beses nakipag-ugnayan ang PEP.ph kay Jobert upang kunin ang kanyang panig sa balitang sinuspinde siya ng pamunuan ng ABS-CBN.

Noon ay sinabi nitong wala pa siyang maisagot ukol sa usapin.

Sa mga sumunod na araw, January 16-19, muli kaming nag-text kay Jobert upang hingin ang kanyang panig sa isyu.

Hindi pa rin siya tumutugon sa aming mensahe.

Hanggang nitong Lunes ng gabi, February 10, binasag ni Jobert ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng pagpu-post sa kanyang Faceboook account.

Continue reading below ↓

Dito ay kinumpirma ni Jobert na sinuspinde nga siya ng ABS-CBN.

Buong mensahe niya (published as is):

"More than 1 month na akong suspended sa DZMM program naming SHOWBUZZ - WITHOUT PAY ha.

"Mga fans (the trolls ha - not the educated ones) lang pala ni Nadine Lustre ang makakapagpatanggal sa akin sa show na lubos na pinaniwalaan yata ng napakahusay naming station manager. So sad.

"I'd like to think that I was a very loyal Kapamilya pero ano nangyari? Nganga ang baklita!

"Seriously, I don't know kung ipagdarasal ko pa sila for the renewal of the franchise. Sayang - malakas pa naman ako kay Lord. Ha! Ha! Ha!"

Continue reading below ↓

Sinundan ito ni Jobert ng isa pang mahabang mensahe ngayong Martes, February 11:

"Painful but that's the reality. Mahirap kaya ang maging jobless for a month (di mo alam kung hanggang kailan - baka till the end of time) lalo pa't breadwinner ka.

"House rental, kuryente, food, baon ng mga pinag-aaral, etc. Nabubuhay muna sa konting diskarte.

"What's sad about this ay kinikiyeme pa akong under investigation daw ang isyu ko ng ethics committee ng ABS-CBN pero parang iba naman ang nagaganap.

"Papa Ambet Nabus texted me last January 30 na inaalok daw sa kaniya ang Showbuzz pero tinanggihan niya por delicadeza dahil sa friendship namin.

"Ang kaya lang daw niyang maibigay ay 2x a week dahil busy rin siya. Kaya thanks Papa Ambet for the delicadeza.

"Imagine, parang buhay ka pa ay inililibing ka na nila.

"How heartless of these people, di ba? How insensitive!

"Nalungkot ako sobra dahil 20 years akong nasa ABS-CBN and more than 17 years sa DZMM ay bigla na lang akong tatratuhing parang basura.

Continue reading below ↓

"Sinunod ko naman lahat ng inutos nila pero anong nangyari?

"Meron lang talagang mga tao sa loob na ayaw talaga sa akin at gusto akong patalsikin at mukhang kilala ko naman sila.

"Anong kinatatakot ninyo kung wala naman kayong mga ginagawang anomalyang alam ko, di ba?

"Di naman ako traidor na tao. Pag lalo niyo akong binubusalan, lalo akong pumipiglas ha. You know naman my character. Basta sa tama lang tayo.

"Sobrang bait ko, I don't bite the hands that feed me pero pag sukdulan na, mararamdaman ninyo ang ngipin ko."

Continue reading below ↓

Sinundan ito ni Jobert ng isa pang mahabang mensahe ngayong Martes, February 11:

"Painful but that's the reality. Mahirap kaya ang maging jobless for a month (di mo alam kung hanggang kailan - baka till the end of time) lalo pa't breadwinner ka.

"House rental, kuryente, food, baon ng mga pinag-aaral, etc. Nabubuhay muna sa konting diskarte.

"What's sad about this ay kinikiyeme pa akong under investigation daw ang isyu ko ng ethics committee ng ABS-CBN pero parang iba naman ang nagaganap.

"Papa Ambet Nabus texted me last January 30 na inaalok daw sa kaniya ang Showbuzz pero tinanggihan niya por delicadeza dahil sa friendship namin.

"Ang kaya lang daw niyang maibigay ay 2x a week dahil busy rin siya. Kaya thanks Papa Ambet for the delicadeza.

"Imagine, parang buhay ka pa ay inililibing ka na nila.

"How heartless of these people, di ba? How insensitive!

"Nalungkot ako sobra dahil 20 years akong nasa ABS-CBN and more than 17 years sa DZMM ay bigla na lang akong tatratuhing parang basura.

Continue reading below ↓

"Sinunod ko naman lahat ng inutos nila pero anong nangyari?

"Meron lang talagang mga tao sa loob na ayaw talaga sa akin at gusto akong patalsikin at mukhang kilala ko naman sila.

"Anong kinatatakot ninyo kung wala naman kayong mga ginagawang anomalyang alam ko, di ba?

"Di naman ako traidor na tao. Pag lalo niyo akong binubusalan, lalo akong pumipiglas ha. You know naman my character. Basta sa tama lang tayo.

"Sobrang bait ko, I don't bite the hands that feed me pero pag sukdulan na, mararamdaman ninyo ang ngipin ko."

Sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag ang ABS-CBN News and Current Affairs tungkol sa estado ni Jobert sa DZMM radio program nito.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reliable ABS-CBN sources say that Jobert Sucaldito's contract with DZMM is being reviewed by management after he lambasted Nadine Lustre in Showbuzz last January 6, 2020.
PHOTO/S: Courtesy: DZMM Teleradyo on Facebook / @nadine on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results