Bela Padilla sa isyung ABS-CBN franchise renewal: "Shucks... mawawalan na pala ako ng trabaho."

by Arniel C. Serato Text: Rommel R. Llanes
Jan 17, 2020
Idinaan muna sa biro ni Bela Padilla ang reaksyon tungkol sa ABS-CBN franchise renewal issue. Si JC Santos naman umaasang magkakapatawaran ang Kapamilya station at si Pangulong Rodrigo Duterte.
Video: Arniel Serato.

Idinaan muna sa biro ni Bela Padilla ang pagbibigay ng reaksyon sa usap-usapang hindi na mare-renew ang franchise ng ABS-CBN ngayong 2020.

Dahil parehong itinuturing na Kapamilya stars kaya hiningan ng reaksyon si Bela at ang On Vodka, Beers, and Regrets leading man niyang si JC Santos.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pa man na hindi niya pipirmahan ang renewal ng franchise ng ABS-CBN, kahit na pumasa na ito sa Kongreso at sa Senado.

Ugat ng disgusto ni Pangulong Duterte ang diumano'y panggagantso o pangsi-swindle sa kanya ng Kapamilya station nung Eleksyon 2016.

Simula nang pumutok ang isyung ito, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results