Former child actor Jiro Manio arrested for alleged frustrated homicide

by Jojo Gabinete
Jan 18, 2020
Former child actor Jiro Manio was arrested by authorities for alleged frustrated homicide after he stabed a man in Marikina City, Friday night, January 17.
PHOTO/S: Ai-Ai delas Alas / Marikina City Police

Inaresto ng mga awtoridad sa Marikina City ang dating child actor na si Jiro Manio, 27, Biyernes ng gabi, January 17.

Ayon sa ulat ng Dobol B sa News TV ngayong Sabado, January 18, inaresto si Jiro diumano dahil sa frustrated homicide.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Marikina City Police, inatake diumano ni Jiro ang biktima nang magpang-abot sila sa kalye.

Ayon pa sa ulat, naglabas daw ng patalim si Jiro, at sinaksak nang tatlong beses ang isang nagngangalang Zeus Doctolero.

Iginiit naman ng dating child actor—Jiro Katkura y Manio sa tunay na buhay—na si Doctolero ang unang nanakit nang hampasin siya nito ng helmet.

Isinugod ang biktima sa ospital, habang dinala naman si Jiro sa istasyon ng pulis.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

THE INCIDENT

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Desk Officer Rosemarie Salupado ng Marikina City Police kaninang badang alas-singko ng umaga, January 18.

Continue reading below ↓

Kinumpirma nito ang pagdakip kay Jiro.

Ayon kay Salupado, ang may-ari ng carenderia, na si Evelyn Vinopsa, ang nagsadya sa kanilang tanggapan at nagpa-blotter kay Jiro dahil sa biglang pagpasok daw ng dating child actor sa eatery.

"Damage to property" ang reklamo ni Vinopsa, dala ng kaguluhang nangyari sa loob ng kanyang carenderia at ang pagkasira ng kanyang mga kagamitan, matapos umano sugurin ni Jiro si Doctolero.

Mula sa loob ng carenderia, humantong sa kalye ang pag-aaway ng dalawa at ang pananaksak diumano ni Jiro kay Doctolero.

Sinabi ni Desk Officer Salupado na dinala si Jiro sa Calumpang Police Station, at ang imbestigador na may hawak ng kaso ang nakakaalam ng kumpletong detalye ng krimen.

Sinubukan ng PEP.ph na tawagan ang numero ng Calumpang Police Station na ibinigay ni Salupado, ngunit walang sumasagot dito.

Patuloy na inaalam ng PEP.ph ang mga importanteng impormasyon tungkol sa insidenteng ito.

Si Jiro ay isang award-winning child actor. Kabilang sa mga pelikulang nilabasan niya ay ang Ang Tanging Ina at ang Magnifico, na parehong ipinalabas noong 2003.

Continue reading below ↓

Taong 2011 ay pumasok sa rehab si Jiro dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Noong 2015 ay naging laman muli ng balita si Jiro matapos siyang mamataang pagala-gala sa loob ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Si Ai-Ai delas Alas, na gumanap na ina ni Jiro sa Ang Tanging Ina, ang tumulong kay Jiro at nagdala sa former child actor sa isang rehabilitation center sa Bataan.

Nang gumaling si Jiro, mismong ang kanyang mga kamag-anak ang nagdesisyong alisin siya sa rehabilitation center sa pag-asang muling mababalikan ni Jiro ang kanyang napabayaang acting profession.

Pero hindi ito nangyari.

Maliban sa report na nagtatrabaho si Jiro bilang waiter sa isang restawran mula nang umalis siya sa rehabilitation center sa Bataan, wala nang balita tungkol sa kanya.

Hanggang mangyari ang insidenteng kinasangkutan niya kagabi.

Read Next
Read More Stories About
Jiro Manio, hardcore fans
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former child actor Jiro Manio was arrested by authorities for alleged frustrated homicide after he stabed a man in Marikina City, Friday night, January 17.
PHOTO/S: Ai-Ai delas Alas / Marikina City Police
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results