Jeric Gonzales denies break-up with non-showbiz partner because of Sheryl Cruz

by James Patrick Anarcon
Jan 18, 2020
Jeric Gonzales denies report that he and his non-showbiz partner broke up because of Sheryl Cruz. According to Jeric, he does not have a girlfriend and is single at the moment.
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram

Parehong itinanggi nina Jeric Gonzales at Sheryl Cruz ang diumano'y lihim na namumuong pagtitinginan sa pagitan nila.

Unang nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Cabinet Files column ang balitang nag-break si Jeric at ang kanyang karelasyong non-showbiz habang nagbabakasyon sa Japan noong December 2019.

Ayon sa report, habang kinukunan si Jeric ng litrato ng kanyang karelasyon, gamit ang cellphone ni Jeric, pumasok ang "alleged sweet but self-incriminating" text message ni Sheryl.

May "baby" word daw sa mensaheng diumano'y ipinadala ni Sheryl kay Jeric; dahilan para maghiwalay si Jeric at ang karelasyong non-showbiz.

Nabanggit naman sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras kahapon, January 17, na nakita raw na dumalaw si Sheryl sa isang rehearsal ni Jeric.

Sina Jeric at Sheryl ay magkatrabaho sa GMA-7 afternoon series na Magkaagaw, kung saan ang characters nila ay may lihim na relasyon.

Sa ipinalabas na report ay nakapanayam din ni Lhar Santiago sina Jeric at Sheryl, kung saan itinanggi ng dalawa ang balita.

Continue reading below ↓

Ayon kay Jeric, imposible raw na may mangyaring break-up dahil wala naman daw siyang non-showbiz girlfriend.

Paliwanag ni Jeric, "Unang-una, wala naman akong girlfriend ngayon, kaya paano magkakaroon ng dahilan para mag break-up? Single po ako ngayon."

Si Sheryl naman daw ay natawa na lang nang marinig niya ang balita.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Saad ng Kapuso actress, "Sinasabi ko na lang sa sarili ko, 'Ah, dahil siguro maganda yung ratings ng show namin at popular yung show namin kaya napapag-usapan kami."

Dagdag pa ni Jeric, natutuwa rin daw siya dahil tila effective ang pag-arte nila ni Sheryl kaya naglalabasan ang mga ganitong balita.

"Natawa at saka natuwa noong nabasa ko yung mga articles and yung balita, kasi parang effective—effective yung ginagawa namin sa show. Nagiging totoo na sa kanila."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales denies report that he and his non-showbiz partner broke up because of Sheryl Cruz. According to Jeric, he does not have a girlfriend and is single at the moment.
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results