Luis Manzano has a funny reaction to Alex Gonzaga-Mikee Morada engagement video 

by Rachelle Siazon
Jan 19, 2020
Luis Manzano jokes about Alex Gonzaga overreacting to Mikee Morada's marriage proposal. The couple got engaged during their Hong Kong trip last December 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal / @cathygonzaga Instagram (inset)

Biniro ni Luis Manzano na asyumera lang umano si Alex Gonzaga, 32, sa marriage proposal ng boyfriend nitong si Mikee Morada, 32.

Kaugnay ito ng video kunsaan makikita ang pagluhod ni Mikee sa gitna ng pamamasyal nila ni Alex sa Hong Kong noong December 28, 2019.

Nasa garden sila ng 1881 Heritage Hotel nang biglang lumuhod si Mikee sa harap ni Alex.

Kita rin sa video na napalundag si Alex sabay upo sa harap ni Mikee sa sobrang excitement.

Continue reading below ↓

Nagbibirong hirit ni Luis, tila napilitan lang si Mikee na mag-propose dahil nag-expect daw na si Alex na maglabas ang nobyo nito ng singsing.

"Baka nagtali lang ng sintas, tapos biglang ganyan reaction mo kaya na pressure? Yun lang naman akin."

Tawa nang tawang napa-comment si Bianca Gonzalez sa hirit ni Luis.

Continue reading below ↓

Sa thread ng biro ni Luis kay Alex, may ilan ding netizens ang natawa sa umano'y pambu-bully ng TV host-actor kay Alex.

Sabi ng isa, "@luckymanzano kanina kopa antay comment mu na basag trip kay Alex hahaha."

May nagbiro rin na dapat ay si Luis, 38, naman ang mag-propose sa girlfriend nitong si Jessy Mendiola, 27.

"@luckymanzano ikaw naman napag iiwanan kana poh," saad ng ng isang netizen kalakip ang kiss emoji.

Continue reading below ↓

Ang totoo ay nauna nang nag-congratulate si Luis kina Alex at Mikee. Kasabay niya ang girlfriend na si Jessy na masaya rin sa balitang engaged na ang TV host-vlogger.

Gayundin si Bianca na kinikilig para sa newly engaged couple.

"SUPER HAPPY FOR YOOOU [lovestruck emojis] Congratulations!!!! Great job @mikee_mo!!!!"

Continue reading below ↓

Si Mikee ay isang konsehal sa Lipa City, Batangas. Tatlong taon na silang magkasintahan ni Alex.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano jokes about Alex Gonzaga overreacting to Mikee Morada's marriage proposal. The couple got engaged during their Hong Kong trip last December 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal / @cathygonzaga Instagram (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results