Joshua Garcia posts another photo with Janella Salvador amid rumored romance

by Bernie V. Franco
Jan 20, 2020
For the second time, Joshua Garcia posts another photo of him with Janella Salvador on his Twitter account, igniting romance rumors.
PHOTO/S: Joshua Garcia on Twitter

Sa pangalawang pagkakataon, nag-post si Joshua Garcia, 22, ng larawan nila ni Janella Salvador, 21.

Kuha ito mula sa after-party ng ABS-CBN primetime series na The Killer Bride noong Biyernes, January 17—huling gabi rin ng pagpapalabas ng serye sa telebisyon.

Magka-love team sina Joshua at Janella sa teleserye na pinagbidahan din nina Maja Salvador at Geoff Eigenmann.

Ipinost ni Joshua ang larawan sa kanyang Twitter account kinabukasan, January 18.

THE SECOND PHOTO

Sa after-party, nag-duet sina Joshua at Janella sa stage, at ang larawang iyon ang ipinost ni Joshua.

Tanging caption dito ni Joshua: “Bawat daan”

Continue reading below ↓

Nagsilabasan din ang videos mula sa event.

Habang kumakanta si Janella sa stage, mapapanood ang pag-akyat ni Joshua.

Kasunod nito ay lumuhod si Joshua sa harap ni Janella, at inalayan ng bulaklak ang dalaga.

Sa isang punto ng kanilang duet ay niyakap pa ng aktor si Janella mula sa likuran.

Continue reading below ↓

JULIA UNFOLLOWS JOSHUA AND JANELLA

Unang beses na nag-post si Joshua ng larawan nila ni Janella noong January 12.

Kuha iyon sa guest appearance nila sa Kapamilya Sunday musical-variety show na ASAP Natin ‘To.

Kinabukasan, January 13, napabalita ang pag-a-unfollow ni Julia Barretto sa ex-boyfriend niyang si Joshua.

Kapansin-pansin ding in-unfollow ni Julia si Janella, na kilalang malapit na kaibigan ni Julia.

Continue reading below ↓

IS MAJA SHIPPING FOR JOSHUA-JANELLA TANDEM?

Ang kapansin-pansin sa team-up nina Joshua at Janella ay ang patuloy na panunukso ni Maja sa dalawa.

Kahit noong nakaraang linggo, vocal si Maja sa pagpapahayag ng kanyang kilig sa tambalan ng kanyang co-stars.

Nang unang i-post ni Joshua ang larawan nila ni Janella, nagkomento at tinukso ni Maja ang dalawa.

Ipinost din ni Maja sa kanyang Instagram Story ang kulitan nina Joshua at Janella.

Tuloy ang panunukso ni Maja kina Joshua at Janella sa kanilang after-party noong Biyernes.

Sa isang video, habang nagpe-perform si Janella sa stage, tinanong ni Maja si Joshua kung si Janella ba ang kanyang Emma (karakter ni Janella sa serye) o ang kanyang baby.

“My baby,” sagot ni Joshua.

Inalay rin ni Joshua kay Janella ang kanyang rendition ng “Hanggang Kailan” ng Orange and Lemons.

MAJA’S POST ABOUT JOSHUA

Nitong Linggo, January 19, may makahulugang post si Maja tungkol kay Joshua.

Continue reading below ↓

Kalakip nito ang larawan nina Joshua at Janella na kuha mula sa taping ng last episode ng kanilang teleserye.

Bahagi ng mensahe ni Maja para kay Joshua: “Elias salamat sa pagmamahal mo ng wagas kay Emma. sabi nga nila SANA ALL! [heart emoji]”

Elias ang pangalan ng karakter ni Joshua sa teleserye.

Nagpaliwanag pa si Maja kay Joshua kung bakit ang larawan nila ni Janella ang napili niyang i-post.

Caption ni Maja (published as is): “Ito ang pinost kong picture dahil Ito Ang pinakamasayang araw mo at pinaka gwapong ngiti mo! Lelz”

Continue reading below ↓

Sa kabila ng panunukso ni Maja, wala pang katiyakan kung nauwi na ba sa totohanan o biruan lamang ang panunukso kina Joshua at Janella.

Sa videos at maging sa social media posts, halatang maraming kinikilig na fans ng JoshNella—tawag sa tambalan nina Joshua at Janella.

Ito ay sa kabila ng nali-link din si Janella sa British-Filipino singer-actor na si Markus Paterson.

Pero tikom ang bibig nina Janella at Markus sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

“What we have is between us and we want to keep it that way,” pahayag ni Markus sa October 2019 interview niya sa Kapamilya late-night talk show na Tonight With Boy Abunda.

Dagdag niya, “She said she doesn’t to have a relationship with the rest of the world because she experienced that.

“I wanna respect her and what she wishes too, so I’m not gonna say anything, or to confirm or deny it.”

Napaulat naman ang breakup nina Joshua at Julia noong April 2019 pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For the second time, Joshua Garcia posts another photo of him with Janella Salvador on his Twitter account, igniting romance rumors.
PHOTO/S: Joshua Garcia on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results