Bela Padilla reacts to netizens accusing celebrities of not helping Taal victims

by Arniel C. Serato
Jan 20, 2020
Bela Padilla: "Magpasalamat po tayo sa mga tao, hindi lang artista, sa lahat ng mga mamamayan na tumutulong na hindi kailangan i-publish, o hindi kailangan i-broadcast.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Para sa aktres na si Bela Padilla, hindi dapat husgahan ang celebrities o kahit sinumang hindi nagpu-post ng mga larawan tungkol sa kanilang pagtulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal noong January 12.

Mahigit sa kalahating milyong tao mula sa mga probinsiya ng Batangas at Cavite ang apektado ng pagputok ng bulkan.

Karamihan sa kanila ay nakikituloy ngayon sa maraming evacuation centers.

Nabuhay naman ang “bayanihan” spirit ng mga Pilipino dahil sa nasabing trahedya.

Pati mga artista ay kanya-kanyang organisa ng kanilang relief operations para sa mga biktima.

Ang ilan sa kanila ay may mga larawang ibinahagi sa social media, at ang iba naman ay piniling gawing pribado ang kanilang pagtulong.

Ayon kay Bela, maling panuntunan para sa publiko na kapag hindi nagpu-post ay nangangahulugan nang hindi tumulong ang mga artista sa mga biktima ng Taal Volcano eruption.

Sabi ng On Vodka, Beers, and Regrets actress, “Ako personally, ha, ang nakikita ko, parang dapat malungkot tayo kung bakit ganun mag-isip bilang bansa.

Continue reading below ↓

“Na pag hindi nag-post ang artista, hindi tumulong.

“Ba't ganun tayo ka negative?

"Dapat ang automatic nating isipin, ‘Baka hindi siya nakapag-post kasi nandun siya sa Batangas ngayon, tumutulong.'”

Dagdag pa ni Bela, “Parang ano lang, nakakalungkot na, yun nga, kailangan nating umasa lang sa Instagram para makita kung ilang sako ng bigas ang ibinigay, ilang oras ang pag-eempake ng gamit.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Parang hindi dapat tayo ganun mag-isip.

“Magpasalamat po tayo sa mga tao, hindi lang artista, sa lahat ng mga mamamayan na tumutulong na hindi kailangan i-publish, o hindi kailangan i-broadcast.”

Kabilang sina Luis Manzano, Alex Gonzaga, at Alden Richards sa mga inakusahan ng netizens na hindi raw tumulong ang mga ito sa nasalanta ng kalamidad.

Inalmahan ito ng tatlo.

Idinepensa naman sila nina Ai-Ai delas Alas, Zsa Zsa Padilla, at ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla: "Magpasalamat po tayo sa mga tao, hindi lang artista, sa lahat ng mga mamamayan na tumutulong na hindi kailangan i-publish, o hindi kailangan i-broadcast.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results