Vice Ganda, Bianca Gonzalez, Ai-Ai delas Alas, Pokwang hit back at netizens criticizing celebs' relief efforts

by Bernie V. Franco
Jan 20, 2020
Vice Ganda, Bianca Gonzalez, Ai-Ai delas Alas, and Pokwang slam netizens who criticize celebrities helping survivors of the Taal Volcano eruption.
PHOTO/S: Noel Orsal (Vice, Ai-Ai, Pokwang) / @iamsuperbianca on Instagram

Umalma sina Vice Ganda, Bianca Gonzalez, Pokwang, at Ai-Ai delas Alas sa matinding pambabatikos ng ilang netizens sa mga artistang tumutulong sa mga nasalanta ng Taal eruption.

Aktibo ang netizens sa social media sa usaping pag-abot-tulong sa mga evacuees.

Maraming mga artista ang umaksiyon at nagpaabot ng tulong.

Ang iba naman, ginamit ang social media para manawagan.

Pero nagsulputan pa rin ang mga kritiko at bashers na pinagdududahan ang sinseridad ng mga artista.

Ginagawan ng isyu ang mga artistang nagpu-post ng kanilang pagtulong.

Pinararatangan naman ang ibang artista na ang panawagan lamang sa social media ang tanging naiaambag.

Hindi ito pinalampas nina Vice, Bianca, Pokwang, at Ai-Ai.

VICE GANDa

Noong Biyernes, January 17, nag-tweet sina Vice at Bianca tungkol sa usaping ito.

Ayon kay Vice, hindi na dapat maging isyu kung i-post man ang tulong o hindi, basta makatulong sa mga nasalanta.

Tweet ng articulate It’s Showtime host: “Sa panahong ito ng kalamidad any form of TULONG, ipost man o hindi is highly needed.e

Continue reading below ↓

"TULONG IS TULONG. Makikinabang ang mga nasalanta.

“Sa panahong ito ng kalamidad any form of NEGA ipost man o hindi is highly not needed. NEGA IS JUST NEGA. Walang pakinabang sa mga nasalanta.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Panawagan pa ni Vice: “Magtulong tulong muna tyo please. Ceasefire muna sa negahan. BEKENEMEN!!!”

Continue reading below ↓

BIANCA GONZALEZ

Binuweltahan din ni Bianca ang bashers na laging may nasasabi tungkol sa pagtulong ng iba.

Tweet ng Kapamilya host: “Sa mga nagcomment na ‘puro ka post, wala ka namang naitulong,’ sa mga taong tumulong pero hindi lang nag-post ng tulong..

“..at sa mga nagcocomment na ‘wag nang i-post ang pagtulong, tumulong kayo ng tahimik’ sa mga nag-post..

“..ang walang naitulong ay ang comment ninyo.”

Continue reading below ↓

POKWANG

Ganito rin ang nilalaman ng tweet ni Pokwang ngayong Lunes, January 20.

Ni-repost ng Kapamilya comedienne ang screenshot ng isang mensahe tungkol sa mga artista kaugnay ng isyu.

Nakasaad sa message, na walang pangalang kalakip (published as is): “Kapag hindi nagpost ng mga tinulungan, sasabihin hindi tumulong.

“Kapag naman ngpost ng mga tulong. Sasabihin tumulong ka nalang ng tahimik.

“Ang toxic ng mga tao. Hindi na alam ng mga artista saan sila lulugar sainyo.

“Yung opinyon nyo ang hindi nakakatulong !”

Pagsang-ayon ni Pokwang sa caption (published as is): “Oo nga naman, wag ganon 2020 na dami na nagaganap sa bayan natin

"ipagdasal nalang ang isat isa wag na mga opinyon na di naman din nakakatulong, ang importante makatulong tayo sa pagbangon ng ating mga kababayan sa kahit anong paraan at di dapat magkasakitan ng damdamin PEACE”

Continue reading below ↓

AI-AI DELAS ALAS

Noong nakaraang linggo, nagbigay ng opinyon si Ai-Ai delas Alas tungkol sa pagsagot ni Luis sa isang netizen na sumita sa TV host-actor at nagsabing inuuna pa raw nito ang pagbebenta ng facial masks kesa tulungan ang mga nasalanta.

Lalo pa't kababayan pa raw ni Luis ang mga taga-Batangas na sobrang naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano.

Ang ina ni Luis na si Vilma Santos-Recto ay congresswoman ng Lipa City, Batangas.

Galit na sagot ni Luis, hindi kinakailangang ipangalandakan sa social media ang pagtulong sa lahat ng oras.

Nasa tao raw kung gusto niyang i-post ang tungkol dito o hindi.

Sa isang Instagram post naman ni Vilma ay binanggit ng congresswoman ang pag-abot ng tulong ni Luis sa mga taga-Batangas.

Kinatigan ni Ai-Ai si Luis.

Bahagi ng post ni Ai-Ai (published as is): "Minsan d kailngan ilagay sa social media ang mga itinutulong .. kung gusto pwedeng ilagay para mainspire ang mga ibang tao gayahin ang mga artista na tumutulong ----yung iba its bet GOD and sa sarili nya..

Continue reading below ↓

"( pero kung hind man mag post wag isipin na hindi agad tumutulong mga nagiisip ng ganun mag reality check sa srili ...tanungin bago mag click AKO BA MAY NAITULONG ?? )"

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda, Bianca Gonzalez, Ai-Ai delas Alas, and Pokwang slam netizens who criticize celebrities helping survivors of the Taal Volcano eruption.
PHOTO/S: Noel Orsal (Vice, Ai-Ai, Pokwang) / @iamsuperbianca on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results