Vice Ganda joins Melai Cantiveros, Karla Estrada call for ABS-CBN franchise renewal: "WE WILL NOT LOSE OUR FAMILY"

by Rachelle Siazon
Jan 20, 2020
Vice Ganda, Melai Cantiveros, and Karla Estrada are among the ABS-CBN stars seeking 1M signatures from netizens to support #NoToABSCBNShutdown online petition.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @mrandmrsfrancisco / CTTO via @karlaestrada1121 Instagram

"WE WILL NOT LOSE OUR FAMILY."

Ito ang pahayag ni Vice Ganda na nakiisa sa ibang ABS-CBN stars na pumirma sa online petition na huwag tuluyang ipasara ang Kapamilya network, sa oras na hindi ma-renew ang prangkisa ng broadcast giant.

Sa March 30, 2020—o mahigit dalawang buwan mula ngayon—nakatakdang mag-expire ang ABS-CBN franchise.

Nanawagan si Vice sa kanyang Twitter followers na tulungan siyang makalikom ng one million signatures sa petition na may titulong "1M signatures for ABS-CBN franchise renewal" sa change.org.

Kalakip din ng petition ang hashtag na "#NoToABSCBNShutdown."

Tweet pa ni Vice ngayong Lunes, January 20, "ABS-CBN: One million for ABS-CBN's franchise - Sign the Petition!"

Si Vice ay napapanood sa daily noontime show na It's Showtime at weekly late-night show na Gandang Gabi Vice.


Continue reading below ↓

Noong May 2019, nagbigay-pugay si Vice sa hindi raw matatawarang "serbisyo" at "sakripisyo" ng mga taong nakakasalamuha niya sa ABS-CBN.

Bahagi ng Instagram post niya noon: "Di ko na isasama ang sarili ko pero lahat ng nakasalamuha ko sa bahay na ito ay mga marangal na manggagawa.

"Utak at Puso ang inilaan at inilalaan sa bawat araw upang makapagbigay ng serbisyo.

"Di madali ang mga hinarap na pagsubok sa pagtatrabaho ngunit tulad ng mga sundalong sumuong sa digmaan ay di susuko at di uuwi hanggat di nagtatagumpay."

MELAI CANTIVEROS AND KARLA ESTRADA

Kaninang umaga ay halos sabay na nagbahagi ng parehong online petition sina Karla Estrada at Melai Cantiveros, hosts ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

"Sign in na mga Kapamilya," caption ni Melai sa kanyang Instagram post.


Link patungong online petition ang tanging ibinahagi ni Karla.

Continue reading below ↓


OGIE ALCASID AND RIA ATAYDE

Ang iba pang ABS-CBN stars na humihingi rin ng suporta na huwag tuluyang ipasara ang Kapamilya network ay sina Ogie Alcasid at Ria Atayde.

Si Ogie ay napapanood sa weekly musical-variety show na ASAP Natin 'To.


Continue reading below ↓

Si Ria ay huling napanood sa defunct weekly fantasy series ng ABS-CBN na Parasite Island.

MARVIN AGUSTIN

Walang show si Marvin Agustin sa ABS-CBN, pero nakiisa rin siya sa mga artistang nanawagang ma-renew ang lisensiya ng ABS-CBN para mag-broadcast.

THE ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL PETITION

Kung susuriin ang petisyon, nakasaad dito na ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang may akda ng panawagan sa Kongreso na ipasa na ang ABS-CBN franchise renewal bill.

Continue reading below ↓

Sabi pa rito, dismayado ang NUJP sa kumalat na balitang nakahanda ang Solicitor General (SolGen) o mga abogado ng gobyerno na maghain ng kaso sa Supreme Court upang tuluyang makansela ang prangkisa ng ABS-CBN.

Base ito sa impormasyon mula sa "unimpeachable sources" ng The Manila Times, na kanilang inilathala sa pahayagan at online news site noong January 16, 2020.

Ayon sa NUJP, ang napipintong pakikialam ng SolGen ay malinaw na panggigipit sa isang "media outfit" nang dahil umano sa matinding galit ni President Rodrigo Duterte.

Pinatutsadahan din ng NUJP na may "conflict of interest" umano si House Speaker Alan Peter Cayetano, na pinuno ng komite na namamahala sa Legislative Franchises at kilala ring strong supporter ng Pangulo.

Umaasa raw ang NUJP na magiging patas ang Kongreso sa kabila ng umano'y "petty vindictiveness" ni Cayetano na umaming may "personal beef with the network."

Dagdag ng NUJP, "At the very least, if the president is really hell-bent on shutting down ABS-CBN, let him bear full responsibility by passing the bill renewing the network's franchise and let him veto it if he dares to.

Continue reading below ↓

"Do not be accomplices in the rape of democracy."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda, Melai Cantiveros, and Karla Estrada are among the ABS-CBN stars seeking 1M signatures from netizens to support #NoToABSCBNShutdown online petition.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @mrandmrsfrancisco / CTTO via @karlaestrada1121 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results