YES Pinoy Foundation defends Dingdong Dantes over "for publicity" comment

Jan 20, 2020
Master Sgt. Dingdong Dantes wears his Philippine Marine uniform (left) when he led the distribution of relief goods for the evacuees in Balayan, Batangas on January 16. In the other photo (right), the actor can be seen wearing an Army uniform, as Captain Lucas Manalo, while taping for his new Kapuso teleserye "Descendants of the Sun."
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

Ipinagtanggol ng YES Pinoy Foundation si Dingdong Dantes kaugnay ng komento ng isang netizen na “for publicity” ang pagtulong ng aktor sa mga sinalanta ng pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas.

Biyernes, January 16, nang mamahagi ang 39-anyos na aktor ng relief goods sa iba’t ibang evacuation centers sa bayan ng Balayan.

Kasama ni Dingdong ang mga sundalo ng Philippine Marines, at pare-pareho ang suot nilang military uniform.

Ipinost ng aktor sa Instagram nitong Biyernes ang mga litrato ng relief operations sa Balayan.

Sa caption, nagpasalamat ang aktor sa lahat ng nag-donate ng mga pagkain, personal hygiene items, at damit para sa mga evacuees.

Katuwang ang kanyang Yes Pinoy Foundation, ang Philippine National Red Cross (PNRC), at ang Philippine Navy, nagpasalamat din si Dingdong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Smile Cares Foundation.

“Because of your generosity and with the help of the Philippine Navy and Philippine Marines— led by BGen Ariel Caculitan PNRC— we were able to donate 1000 relief packs to evacuation centers in Balayan, Batangas namely, Pastoral Center, Canda, Tanggoy and Patugo,” bahagi ng post ni Dingdong.

Continue reading below ↓

Special mention din ng aktor ang “kabayanihan” ng volunteers at social workers.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

DINGDONG IN MILITARY UNIFORM

Sa comments section, maraming Instagram followers ang pumuri sa kabutihang-loob ng grupo ni Dingdong, at nagpaabot ng pasasalamat sa aktor.

Pero isang netizen ang kumuwestiyon sa pagsusuot ng aktor ng military uniform.

Komento ng netizen: “Reserve ka ba ng Philippine Army? Bakit naka ganyan kang suot? Is that for publicity?”

Continue reading below ↓

Ang komento ng netizen ay tumutukoy sa ipalalabas na teleserye ni Dingdong sa GMA-7, ang Philippine adaptation ng Korean series na Descendants of the Sun.

Sa nabanggit na serye, magbibida ang aktor bilang ang Army soldier na si “Big Boss,” katambal si Jennylyn Mercado, sa papel ng doktor na si Beauty.

Continue reading below ↓

NOT FOR “PUBLICITY AND GIMMICKRY”

Hindi sinagot ni Dingdong ang naturang komento. Sa halip, ang Yes Pinoy ang nag-reply sa netizen.

Nilinaw ng foundation na ang founding chairman nitong si Dingdong ay sampung taon nang reservist ng Philippine Marines.

Sagot ng Yes Pinoy: “Hi! Our Founding Chairman, Mr Dong Dantes, is a Philippine Marine reservist since 2009. Thank you!”

Reply ng netizen, inasahan na niyang military reservist nga ang aktor dahil “it will be a shame to wear this if he is not.”

Nagpasalamat ang netizen sa pagbibigay-linaw ng Yes Pinoy.

Giit naman ng foundation, hindi si Dingdong ang “type who does things for publicity and gimmickry,” na sinundan ng winking face emoji.

Sa huling reply ng netizen, tinag na nito ang Kapuso actor para magpasalamat.

Continue reading below ↓

Taong 2006 nang magpa-enlist si Dingdong sa Philippine Marine Reserve Force, at mahigit isang buwang sumailalim sa military training.

Pormal siyang naging Marine reservist noong 2009.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Master Sgt. Dingdong Dantes wears his Philippine Marine uniform (left) when he led the distribution of relief goods for the evacuees in Balayan, Batangas on January 16. In the other photo (right), the actor can be seen wearing an Army uniform, as Captain Lucas Manalo, while taping for his new Kapuso teleserye "Descendants of the Sun."
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results