James Reid and Nadine Lustre confirm breakup

by Jojo Gabinete
Jan 20, 2020
Nadine Lustre and James Reid confirm their breakup via an official statement released in Tonight With Boy Abunda Monday, January 20. PEP.ph broke the news about their split-up on January 1, 2020.
PHOTO/S: Instagram

Kumpirmadong break na sina James Reid at Nadine Lustre matapos ang halos apat na taong relasyon.

Ang kumpirmasyon ay ginawa ng dalawa sa pamamagitan ng isang official statement na inilabas sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN ngayong Lunes ng gabi, January 20, makalipas ang 19 araw mula nang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanilang breakup noong January 1, 2020.

Ito ay matapos ng tuloy-tuloy na pagsasawalang-kibo ng dalawa at ang tuloy-tuloy ding pag-alma ng kanilang mga tagahanga.

Sa kanilang statement, pinabulaanan nina James at Nadine, kapwa 26 years old, ang mga lumabas sa tabloid at social media na dahilan diumano ng kanilang paghihiwalay.

Sinabi nina James at Nadine na nagdesisyon silang tapusin ang kanilang relasyon "to focus on ourselves not only for our careers, but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can."

Napagkasunduan din daw nilang ang maghiwalay ng landas ang pinakamabuti para sa kanila.

Continue reading below ↓

Nilinaw naman ng dating magkasintahan na nananatili silang "really good friends" at patuloy na makikipagtrabaho sa isa't isa, lalo na sa larangan ng musika.

Matatandaang bago matapos ang 2019 ay pumirma ng kontrata si Nadine sa itinayong music company ni James, ang Careless Music.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Narito ang kabuuan ng official statement nina James at Nadine sa TWBA (published as is):

"It's true that we have split up but not for all the reasons that are being spread on the tabloids and social media but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can.

"We agreed that going separate ways was best for both of us. We are in good terms and are still really good friends and will continue to work with each other especially when it comes to music.

Continue reading below ↓

"Thank you for all the JADINE FANS for their undying support and we hope you continue to support us now and in the future.

"We shall forever be grateful to them for their love and understanding. Thank you."


THE PEP REPORT

Ang breakup nina James at Nadine dahil sa "irreconcilable differences" ang big story ng PEP.ph noong January 1, 2020, bagamat nangyari ito bago pa man natapos ang 2019.

Continue reading below ↓

Pero hindi ito pinaniwalaan ng kanilang avid fans at supporters dahil, para sa kanila, fake news ang isyu.

Itinuring nilang imbento lamang ang balita ng PEP.ph na umalis na si Nadine sa tahanan ni James, kunsaan nagsama ang dalawa nang humigit-kumulang tatlong taon, at sa balita pa rin ng PEP.ph na lumipat na si Nadine sa isang condominium unit sa Makati City.

Walang kumpirmasyon o denial na nanggaling mula sa magkabilang kampo, kaya lalong naniwala ang kanilang mga tagapagtanggol na fake news ang paghihiwalay nina James at Nadine.

Lalo pang nadagdagan ang kumpiyansa nilang hindi hiwalay ang dalawa dahil magkasama pa sila noong New Year’s Eve at sa isang pictorial sa Brazil para sa isang fashion magazine noong nakaraang linggo.

Hanggang sa kumpirmahin nina James at Nadine mismo na break na nga sila.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre and James Reid confirm their breakup via an official statement released in Tonight With Boy Abunda Monday, January 20. PEP.ph broke the news about their split-up on January 1, 2020.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results