Janella Salvador writes heartwarming message for "friend" Joshua Garcia

by Rachelle Siazon
Jan 21, 2020
Janella Salvador to Joshua Garcia: "I'm glad I found a friend in you...'"
PHOTO/S: @superjanella Instagram

Mabuting kaibigan ang turing ni Janella Salvador, 21, sa The Killer Bride leading man niyang si Joshua Garcia, 22.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes ng gabi, January 20, inihayag ni Janella na naging malapit sila ni Joshua dahil pareho raw sila ng pag-uugali.

Nagpasalamat din ang dalaga dahil madalas daw mag-share ng pagkain si Joshua sa kanya sa loob ng pitong buwan nilang pagtatambal sa katatapos na ABS-CBN primetime series.

Kalakip nito ang litrato nila ni Joshua na kuha sa kilig scene sa finale ng The Killer Bride.

Pahayag ni Janella: "Thank you for being such a wonderful leading man.

"You are absolutely talented and you deserve all the recognition and praises you are receiving.

"I’m glad I found a friend in you— one that is so much like me. Keep shining.

"PS thank u for feeding me all the time."

Continue reading below ↓

Sa comments section, isang sweet na message ang iniwan ni Joshua.

"Thank you [crying emoji] miss ko na kayo. Ingatan mo sarili mo palagi, hanggang sa susunod na project [heart emoji]," saad ng aktor.


Una nang nag-post si Joshua ng litrato nila ni Janella na may caption na "Bawat Daan"—title ng background sound sa kissing scene nila sa show.

Continue reading below ↓

Malinaw na positibo ang samahan nina Joshua at Janella sa kabila ng natapos nilang teleserye.

KILIG OVERLOAD

Naging tampulan ng tuksuhan sina Janella at Joshua sa after-party ng finale ng The Killer Bride noong Biyernes, January 17.

Kumalat sa Internet ang video kunsaan "baby" ang tawag ni Joshua kay Janella.

Nanguna rin ang lead actress ng series na si Maja Salvador sa panunukso kay Joshua na makipag-duet kay Janella.

Hanggang sa sumalang ng stage si Joshua, at namataang yumakap pa kay Janella habang kumakanta sila ng "Beer."

]

Continue reading below ↓

Pati ibang co-stars nilang sina Geoff Eigenmann at Sam Concepcion ay kasama sa mga naghiyawan nang mapanood sina Joshua at Janella.

JANELLA IN A RUMORED RELATIONSHIP

Kinilig nang husto ang fans ng tambalan nina Joshua at Janella dahil sa kilig moments ng mga ito sa after-party ng show.

Gayunman, hindi kailang matagal nang nababalitang may nagmamay-ari sa puso ni Janella sa tunay na buhay.

Continue reading below ↓

Ang dating Pinoy Boyband Superstar na si Markus Paterson ang hinihinalang karelasyon ni Janella.

Pero hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig ni Janella tungkol sa Filipino-British actor-singer.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 14, 2019, sinabi ni Janella na wala pa siyang inaamin kung anuman ang estado ng relasyon nila ni Markus.

Sa parte ni Joshua, single siya mula nang maghiwalay sila ni Julia Barretto. Naging magkarelasyon sila mula April 3, 2017 hanggang April 2019.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador to Joshua Garcia: "I'm glad I found a friend in you...'"
PHOTO/S: @superjanella Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results